Iyak nang iyak at natulala pa ng batang content creator na si Gian Luca Geroue o mas kilala bilang “Boy Panda” nang sorpresahin siya ni SB19 Josh Cullen sa kanyang 8th birthday party recently.
Wish granted kasi ang hiling ni Gian kay SB19 Josh. Ito ay ang ma-hug ang bias niyang P-pop king.
Pinakita pa ni Boy Panda kay Josh ang photocopy ng kamay niya na hinawakan ng singer noong nanood ito ng “Wakas At Simula” concert.
Kuwento ng nanay ni Gian, ayaw daw kasing maghugas ng kamay ang bata matapos itong hawakan ni Josh.
Kaya ipina-photocopy na lang nila kamay ni Boy Panda na hinawakan ni Josh.
Pinirmahan naman ng SB19 member ang nasabing print photocopy ng kamay ng bata. Nangako rin si Josh sa bata na hindi iyon ang huling bonding nilang dalawa.
Post nga ng magulang ni Boy Panda sa Facebook,
“Parang panaginip lang ang lahat at kitang-kita sa mga mata niya ang saya, gulat, at excitement sa espesyal na moment.
Sobrang nakakataba ng puso na natupad na rin ang wishlist mo na mahug si Daddy Josh. Isang alaalang siguradong habang-buhay niyang dadalhin at isang inspirasyong mas magpapalakas pa ng loob niya sa pagpeperform at pag-abot ng mga pangarap niya.”
Inggit much naman ang ibang A’TIN sa bagets at napa sana-all na lang ang mga supporters ng SB19.


