Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Anak ni Cecile Bautista, may “hanash” sa The Company

Mukhang hindi na nakapagtimpi pa ang anak ng OG (original) member ng iconic OPM group na The Company na si Celina Bautista Reynoso kaya’t sunod-sunod ang talak nito kay Moy Ortiz at sa official social media account ng grupo.  

Si Celina ang anak ni Cecile Bautista, ang original singer ng “Muntik Na Kitang Minahal,” isa sa mga iconic songs ng kilalang grupo.

Hindi kasi nagustuhan ng anak ni Cecile ang pangdededma raw ng The Company sa mother niya last Sunday.

Ang The Company ang isa sa mga artists nag-perform sa 105th Anniversary concert ng Ateneo Glee Club nitong Linggo.  

Ni hindi man lang daw inacknowledge ng grupo si Cecile bilang dating miyembro ng grupo at kasama nila since day one gayung nasa backstage lang din ito ng nasabing concert event.

Obviously, na-hurt si Celina sa pang-ii-snob sa mother niya. Feeling niya ay hindi deserve ni Cecile ang ganung klase ng ng pagtrato sa isang dating kapamilya kumbaga. 

Mayroon din naman daw itong naiambag sa kasikatan ng grupo kaya’t isang malaking “turn-off” daw ang ginawa ng mga dating kasamahan ng nanay niya.

Ayon pa kay Celina, naka-blocked na raw siya sa socmed ni Moy pati na rin sa opisyal Facebook account ng The Company dahil sa socmed post niyang ganito ang sinasabi: 

“My mom, Cecile Bautista, original singer of Muntik na Kitang Minahal by the CompanY. She was a pioneer member and was with them for nearly 30 years. I hope she gets the recognition and respect she deserves.”

Sa tila pagsusumbong ni Celina sa mga fans ng  dating grupong kasali ang nanay niya, dagdag pa nito,

 ” If you’re a fan of The Company just know this is how they treat their inaanaks when they get called out for their BS (bull s***) with my mom, you get blocked.  And yes they are actually all my godparents!”  

Sa comment section na ikinuwento ni Celina kung bakit ganun ang trato ng members ng grupo sa mother niya.  

Aniya, matagal na raw hindi okay ang pakikitungo ng ilang members sa nanay niya at ngayon lang daw siya nagsalita dahil naiinis na siya sa ginagawang pagtrato sa mahal niyang ina. 

Habang sinusulat ito ay wala pang sagot si Moy pati ang official socmed account ng The Company sa mga talak ni Celina.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles