Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

SB19, kinabog sina Harry Styles, Hilary Duff, Megan Thee Stallion etal sa Billboard Fan Army Face Off

Sa ika-apat na magkakasunod na taon, muling nanguna ang SB19 sa Billboard Fan Army Face Off.

Muling tinanghal nitong 2026 ang Kings of Pop boy band ng Pilipinas at hindi biro ang mga kinabog nilang fan groups or ARMY ng mga internationally renowned musical artists

Matindi ang pinagdaanang laban ng mga Army ng SB19 na nakipagpuksaan ng boto sa ibang armies.

Sa umpisa ng competition ng botohan ay agad na nangabog ang mga Ka-A’tin army laban sa mga fan groups nina Hilary Duff, Megan Thee Stallion at Melanie Martinez sa unang three rounds.

Sa quarterfinals ay nakaharap at tinalo naman ng SB19 army ang fan group ni Zara Larsson  hanggang sa talunin din nila sa semifinals ang army group ni Benson Boone.

Sa huling round ng bilangan sa finals, nakatapat ng SB19 ang army group ni Harry Styles at tinalo nga din ito.

Ito na nga ang ikaapat na taon na nanalo ang maituturing na pinaka sikat na P-pop band ng Pilipinas kung hindi man sa buong Asya.

Sa mga nakaraang panalo nila, hindi rin basta-basta ang mga pinatumba ng army ng  A’TIN.

Noong 2023, nag-prevail sila over the army of the very popular SEVENTEEN’s CARATS, then over RIHANNA’s NAVY noong 2024, at laban sa mga SELENATORS ni  SELENA GOMEZ noong 2025.

Samantala, naririto naman ang listahan ng mga big winners ng BILLBOARD FAN ARMY FACE-OFF simula noong 2014 na inumpisahan ang naturang kontes para sa mga ardent and loyal supporters/fans ng mga kilalang musical artists sa buong mundo na nakatutok sa Billboard charts at social polls nito:

2014: BIGBANG’s VIPs

2015: T-ara’s Queens

2016: T-ara’s Queens

2017: T-ara’s Queens

2018: Super Junior’s E.L.F

2019: not held

2020: Super Junior’s E.L.F

2021: not held

2022: Stray Kids’ STAY

2023: SB19’s A’TIN

2024: SB19’s A’TIN

2025: SB19’s A’TIN

2026: SB19’s A’TIN

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles