Marami namang mga ka-A’tin o Ka-Mahalima, ang organisadong mga ‘army’ ng kilalang P-pop group na SB19 na nagtatanong kung bakit hindi man lang din daw ni-recognize ng Senado ang naturang grupo.
Sa isang malaganap na thread kung saan marami ding mga members ay mga foreign nationals gaya ng mga Taiwanese, Chinese, Koreans, Thai at mga pinoy from all over the world as far as Middle East, Europe, Africa, the USA, Australia at iba pang bansa, ang tila nagtataka sa diumano’y pag-over look ng Senado sa achievement ng naturang grupo.
“SB19 started it all. They are first ones that introduced the kind of music and performance which the whole world admired. Yung mga na-establish nilang mga beats, dance steps and all from their hit songs, ay grabeng nag-viral, at ginaya ng ibang lahi, mapa-puti, itim o ano pa mang kulay,” reaksyon sa thread ng mga supporters at fans ng SB19.
“We believe that that girl group (BINI) achieved a milestone in Coachella and it is okay for them to be recognized. Pride ng Pilipinas iyan eh,. But has the Senator (Sen. Bam Aquino) did a good research on the kind of marketing, publicity, promotion and the great impact SB19 has made through their series of concerts worldwide and how they are being admired globally? Sa totoo lang naman po tayo, HIndi lang ang USA ang na-impress sa SB19, humanga, nag-idolize at ngayo’y mga supporters na rin nila. As in buong mundo kahit hindi mga pinoy. Isn’t that something to be proud of? Doesn’t that deserve a commendation from the August body of our government? Fair naman sigurong sabihin na nakatulong sa image building, music culture and tourism ang SB19, so bakit po tila may pag-ignore sa mga achievements nila? Porke ba wala silang major broadcast network na gaya ng ABS-CBN backing them up? Just asking po, Sen. Bam,” bahagi pa ng pagtatanong ng mga ka-A’tin at ka-Mahalima.
Halos i-enumerate din ng mga nasabing supporters ang mga kilala ding music artists and celebrities mula Pilipinas hanggang sa mga taga-ibang bansa na nagkaroon ng “collaboration work” sa SB19 at pinag-usapan din sa buong mundo.
Inilintanya din nila ang lahat ng mga sold out concerts here and abroad na nagawa na ng SB19 at fair daw sabihing hindi pa nagagawa ng BINI at all.
“So ano po ang naging basis o criteria ninyo G. Aquino?,” sa bandang huling tanong ng mga fans ng SB19 sa naturang Senador na tila ay pay pang-iisnab sa kanilang mga iniidolong grupo.


