Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Sanya Lopez, hindi na NBSB; “I’m a happy girlfriend now”

Kung dati-rati ay proud NBSB (no boyfriend since birth) ang tinaguriang Hot Maria Clara na si Sanya Lopez, pero ngayon ay nagdeklara na nga itong “happy girlfriend.”

Sa latest interview ng maganda at sexy Kapuso actress sa programa ni kuya Boy Abunda sa Fast Talk sa GMA 7, kitang-kita ang saya at aliwalas ng magandang aktres.

“Ninanamnam ko po talaga. Iba pala kapag merong nagpapasaya sa iyo,” sey nito habang kinakatigan naman siya ng co-star niyang si Jane Oineza na kasabay din niyang bumisita sa programa ng King of Talk na si kuya Boy.

At dahil first time nga niyang maging open sa public hinggil sa kanyang boyfriend ngayon, nakiusap ang aktres na huwag ng i-reveal ang identity ng lalaki lalo’t non-showbiz naman daw ito.

“Meron po kasi kaming agreement na kahit man lang yun ay huwag naming i-reveal o i-share sa public. Ang importante po ay honest ako sa pagsasabing ‘happy gf’ po ako sa ngayon at let it stay that way po sana,” pakli ni Sanya.

Subalit may mga kasamahan sa showbiz bukod daw sa mga kapamilya ni Sanya na nakilala na at nakasalamuha na ang sinasabing boyfriend nya.

“Maybe in time, soon?,” ang kinikilig pa nitong pahayag sa kung darating ba ang time na makikilala din ng publiko ang kanyang mahal.

Kaya naman sa naturang interview din ay binigyan siya ng “tips” ni Jane na ninanamnam naman ang six years na nitong relationship sa magaling at guwapo ding aktor na si RK Bagatsing. 

Paalala nito sa Kapuso actress, “Everyday, kailangan n’yong piliin ‘yung isa’t isa. I think ano lang naman ‘yan, everyday, kailangan n’yong piliin ‘yung isa’t isa kasi may mga araw naman na hindi tayo in our best behavior,” saad pa ni Jane.

Magkasama sa pelikulang ‘Midnight Girls” sina Jane at Sanya, kasama pa si Jodi Sta. Maria na palabas na sa maraming sinehan sa buong bansa.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles