Good news para sa mga empleyado ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila!
Inanunsyo ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa weekly flag-raising ceremony nitong Lunes, May 18, na ipapalabas na ngayong araw ang P350 million para sa mid-year bonus ng halos 20,000 regular employees ng Manila LGU.
Ayon kay Mayor Isko, maaari nang ma-claim ng mga kawani ang kanilang mid-year bonus simula 12:00 noon ngayong araw.
“What is due to you will be given to you. Hindi na ninyo kailangan ipanghingi,” pahayag ng alkalde.
Sa anunsyo, malinaw na regular employees lamang ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila ang sakop ng mid-year bonus payout. /Bistado


