Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Saclag, susubukan makuha ang unang Asiad gold ng Pilipinas

Isang panalo na lamang ang kailangan ng mixed martial artist na si Jean Claude Saclag upang bigyan ng unang gintong medalya ang Pilipinas sa Nagoya-Aichi Asian Games.

Tinalo ng dating wushu standout ang Hapones na si Daisuke Murayama sa -65kg division semifinals sa pamamagitan ng unanimous decision sa Nagoya City Inae Sports Center nitong Lunes.

Muling sasabak si Saclag Martes ng hapon, kung saan haharapin niya si Otabek Rajabov ng Tajikistan para sa ginto. 

Nakapasok sa final si Rajabov matapos talunin si Sanzhar Adilov ng Kazakhstan sa isa pang semifinal.

Nakatanggap si Saclag ng first-round bye bago niya sinimulan ang kampanya sa quarterfinals, kung saan tinalo niya si Saud Fawaz Alholem ng Saudi Arabia noong Linggo.

Samantala, nakuha ng kapwa nya Team Lakay na si Carlos Alvarez ng bronze medal sa men’s traditional -77kg division matapos matalo kay Yerkingali Burkutalin ng Kazakhstan sa pamamagitan ng technical knockout.

Iyon ang ikalawang medal ng Pilipinas matapos ang kaparehong bronze ng women’s soft tennis team noon ding Linggo.

Umabot sa semifinals si Alvarez nang ma-technical knockout si Anada Wahyu Setyo Prabowo ng Indonesia sa ika-22 segundo noong Linggo.

Sa medal tally alas-dyes ng gabi, nangunguna ang China na may 11-6-3 gold-silver bronze, kasunod ang Japan (6-7-7), Korea (4-3-7) at Thailand (3-1-0).

May tig-iisang ginto ang Hong Kong, Macau, Myanmar at Kuwait, habang may isang silver ang Chinese Taipei.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles