Na-impeach sa ikalawang pagkakataon si Vice President Sara Duterte matapos bumoto ang 257 lawmakers ng House of Representatives nitong Lune pabor sa House Committee on Justice report na magpapadala ng Articles of Impeachment sa Senate para sa trial.
Malayo ang bilang sa 106 votes, o one-third na constitutional threshold, na kailangan para ma-impeach ang isang public official. Mas mataas din ito sa orihinal na 240 lawmakers na sumuporta sa unang impeachment bid laban kay Duterte noong 19th Congress, kung saan 25 ang hindi nakapanumpa sa harap ng House Secretary General kaya naging 215 ang official count.
Sa plenary session, iniharap ni Committee on Justice Chairperson Atty. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro ng Batangas ang opening statement at Articles of Impeachment laban sa Vice President. Sinabi niya na ang botohan ay hindi lang usapin ng numero, kundi kung nasunod ang Constitution, proseso, ebidensya, at paghahanap ng katotohanan.
“Kapag may mabibigat na pagdududa tungkol sa paggamit ng pera ng bayan, tungkol sa katapatan ng SALN, tungkol sa asal at pananalita ng isang pinuno—hindi maaaring manahimik ang House of Representatives,” giit ni Luistro.
“Hindi tayo maaaring magbulag-bulagan. Hindi tayo maaaring matakot. Hindi tayo maaaring maging kasabwat ng katahimikan,” dagdag niya.
Binuksan ng House ang debate, kung saan kinuwestiyon nina Sagip Party-list Rep. Paolo Henry Marcoleta, BH Party-list Rep. Robert Nazal, Davao Rep. Isidro Ungab, at Batangas Rep. Leandro Leviste ang regularity ng impeachment proceedings.
Ayon kay Luistro, malinaw sa House rules na maaaring magsagawa ng hearings ang Justice Committee kahit recess at magpatupad ng compulsory processes gaya ng subpoena sa witnesses at documents na may kaugnayan sa allegations sa impeachment complaints.
Matapos ang mahabang interpellation mula sa lawmakers na kumontra sa impeachment, naghain si Senior Deputy Majority Leader Lorenz Defensor ng Iloilo ng motion para tumuloy sa nominal voting, habang pinayagan ang members na ipaliwanag ang kanilang boto matapos ianunsyo ang resulta.
Sa 318 House members, 106 votes lamang ang kailangan. Sa huling bilang, 257 ang bumoto pabor sa transmittal ng kaso sa trial, 25 ang kumontra, at 9 ang nag-abstain.
Naganap ang botohan sa kabila ng warnings mula sa PDP-Laban, political party ng Vice President, at statements mula sa ilang religious groups na nagsasabing maaaring mawalan ng suporta sa 2028 national elections ang reelectionist lawmakers na boboto pabor sa impeachment.
Apat ang major charges sa approved Articles of Impeachment: alleged misuse of confidential funds, unexplained wealth, bribery, at grave threats kaugnay ng public statements laban sa top government officials.
Ang Article I ay nakatuon sa alleged misuse at irregular liquidation ng P612.5 million confidential funds sa Office of the Vice President at Department of Education, na unang lumitaw sa investigation ng House Committee on Good Government and Public Accountability noong 2024.
Nakabatay ito sa Commission on Audit notices of disallowance na nag-flag sa improper use ng P73 million OVP confidential funds noong last quarter ng 2022 at P375 million noong first three quarters ng 2023. Sa unang notice of disallowance, kinatigan ng Commission Proper na hindi sapat ang justification ng OVP sa expenses at hindi ito sumunod sa COA-DBM Joint Circular No. 15.
Kasama rin sa Article I ang NBI findings sa pagkakatulad ng handwriting sa maraming acknowledgment receipts na umano’y pinirmahan ng iba’t ibang beneficiaries, at PSA certification na nagsasabing maraming nakalistang pangalan, kabilang sina “Mary Grace Piattos” at “Kokoy Villamin,” ang wala sa civil registry.
Ang Article II ay tungkol sa alleged unexplained wealth, SALN discrepancies, at alleged continued business interests ni Duterte habang Vice President, kahit ipinagbabawal ng Constitution sa president, vice president, at Cabinet members ang participation sa business.
Ayon sa SALNs, tumaas ang declared net worth ni Duterte mula P7.2 million noong 2007 hanggang higit P88.5 million noong 2024, na sinabi ng House members na tila disproportionate sa estimated government salary earnings na humigit-kumulang P30 million sa parehong period. Sa huling anim na taon ng kanyang SALN filings, nakita rin ng lawmakers na hindi niya properly na-disclose ang cash on hand at cash in bank sa separate line item.
Tinukoy din ng lawmakers ang AMLC records na nagpapakita ng P6.77 billion in covered and suspicious transactions na kinasasangkutan ng Vice President at kanyang asawa mula 2006.
Ang Article III ay bribery, kaugnay ng alleged distribution ng cash envelopes sa high-ranking DepEd officials noong Education secretary siya. Nakabatay ito sa testimonies at statements nina former Undersecretary Gloria Jumamil-Mercado, former Bids and Awards Committee chairperson Resty Osias, at former chief accountant Rhunna Catalan.
Ang Article IV ay grave threats at inciting to sedition, kaugnay ng November 2024 video press conference kung saan sinabi ni Duterte na may kinontrata siyang assassin para patayin sina President Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at former Speaker Martin Romualdez.
Nabigyan ang House members ng electronic copies at USB storage devices na naglalaman ng Committee Report No. 261 on House Resolution No. 989, kasama ang attached evidence. Nabigyan din ng parehong materials ang complainants, respondent, at kanyang counsel.
Inaasahang magko-convene ang Senate bilang impeachment court kapag na-transmit ang Articles of Impeachment. Kailangan ng two-thirds vote ng lahat ng senators, o hindi bababa sa 18 votes, para sa conviction. /Bistado


