Very vocal at buong tapat na ikinuwento ni Dabarkad Ryzza Mae Dizon ang pinagdaanan niyang ‘pagsubok’ nang magkaroon ng hidwaan ang grupo ng TVJ laban sa TAPE Inc, ng mga Jalosjos.
Sa podcast na Toni Talks ni Toni Gonzaga last Sunday, June 7, buong katapatang naikuwento ni Ryzza na halos mawalan na siya ng pag-asa noong mga panahong nagbabanggaan ang mga pinuno ng Eat Bulaga, ang longest running noontime TV show ng bansa.
“Hindi ko po kasi alam kung hanggang kailan na lang ako. Inilagay nila ako sa isang portion na halos wala akong ginagawa at sobrang ikli ng oras,” pakli ni Ryzza na produkto ng matagumpay na Little Miss Philippines noong siya’y anim na taong gulang pa lamang.
Ayon pa kay Ryzza, mayroong isang batang nais isali ng Jalosjos group sa EB bilang magiging kapalit niya.
Ang siste, sobra din daw silang nasaktan nang malaman nila sa balita na kaya siya balak palitan ay dahil sa hindi naman umano pang-TV ang kanyang hitsura at appeal.
Mabuti na lamang daw na ipinaglaban siya ng TVJ, at mga Dabarkads na kanya ng kinalakihan hanggang ngayong mag-celebrate na siya ng kanyang ika-21 kaarawan this June 12.
“Sa Eat Bulaga na po ako nagka-isip, tumanda, at tumaas ng kaunti, pero yung mga values ng isang pamilya, dito ko ko talaga naramdaman,” sey pa ni Ryzza.
Na-mention din niyang lubos ang kanyang pasasalamat sa mga tatay niyang sina Sen. Tito Sotto, at bossing Vic, tito Joey de leon dahil hindi daw siya kailanman pinakitaan ng nga ito na hindi siya gusto para sa EB.
Birthday wish ni Ryzza na magpatuloy ang kanyang stint sa Eat Bulaga. Sa naturang noontime show na daw niya nais na mag-retiro.
Sobrang binago daw ang buhay nila ng naturang show at utang na loob niyang lahat ito sa mga taong patuloy na naniniwala at nagtitiwala sa kanya.
May mga naipundar ng bahay, sasakyan, at negosyo para sa kanyang pamilya si Ryzza.
Hindi naman daw siya nagmamadali sa mga tukso sa kanyang need na niyang magka-boyfriend dahil aniya, “kung may darating, darating po iyan.”


