Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Ina ng nalunod na Atenista, walang detalye sa team-building activity

Nagulantang ang sports community sa anunsyo ng Ateneo de Manila University (ADMU) Lunes ng gabi (June 8) na nalunod ang dalawa nitong manlalaro ng men’s basketball team na sina Rene Clert Baterbonia at Divine Adili.

Si Baterbonia, 19 taong gulang, at si Adili, 21, ay nalunod Lunes ng hapon habang nasa isang team building activity ng Blue Eagles sa Dipaculao, Aurora.

Divine Adili (No. 14) (Mula sa UAAP Media)

“The entire Ateneo community mourns the loss of Rene and Divine. The University extends its heartfelt condolences to their families, friends, teammates, coaches, and loved ones. We ask the community to keep them in their prayers during this most difficult time,” pahayag ng Ateneo.

Ayon kay Aurora Provincial Director Col. Percival Pineda, aksidente ang nangyari at walang nakitang indikasyon na kahina-hinala ang pagkamatay ng dalawa.

Naghihinagpis ang ina ng tubong Agusan del Sur na si Baterbonia dahil wala daw sinabi sa kanya kung ano-ano ang gagawin sa Aurora.

Kung alam daw niya kung gaano kahirap, hindi niya papayagan ang anak, na isang linggo pa lamang nasa Metro Manila para sa paghahanda bilang rookie sa UAAP Season 88.

Produkto ng Ateneo de Davao si Baterbonia at pinangunahan ang Davao Region sa pagkapanalo ng gintong medalya sa boys’ basketball sa 2025 Palarong Pambansa sa Ilocos Norte kung saan kinilala siyang Most Valuable Player (MVP).

Samantala, si Adili na tubong Nigeria ay naglaro para sa Ateneo noong Season 88.

Bago ang UAAP, naglaro siya para sa New Era University sa magkasunod na kampeonato sa NAASCU (National Athletic Association of Schools, Colleges and Universities) juniors at nagkamit ng magkakasunod na MVP awards.

“Wala nila gi-orient nga: ‘Mam, pag moanhi ang imong anak, naa mi training, ing-ani, ing-ana. Kung gipasabot lang ko nila nga naa na, di ko mo sugot (Hindi ako sinabihan na, ‘Ma’am, pagdating ng anak mo dito, may ganitong training. Kung ipinaliwanag sa akin, hindi ako papayag),” ani ina ni Baterbonia sa pakikipagpulong kay Agusan del Sur Gov. Santiago Cane Jr. na napanood sa social media.

Diumano, ang sinasabing training ay mga mahihirap na ehersisyo na kung inilarawan ng ibang nakaranas na manlalaro ay parang military boot camp.

 Idinagdag ng ina na sinuportahan niya ang paglahok ng kanyang anak sa sports bilang paraan upang matulungan ang pamilya na malampasan ang kanilang mga suliraning pangkabuhayan.

 “Bahala’g magkalisud mi dili nako siya i adto didto. Pero wala man gud nila gipasabot sa akoa og tarong (Kahit naghihirap kami, hindi ko sya ipapadala sa ADMU. Ngunit hindi nila ipinaliwanag sa akin),” ani Baterbonia.

Dagdag pa niya, lumipat ang kanilang pamilya mula sa Agusan Marsh patungong bayan ng Talacogon sa Agusan del Sur dahil sa madalas na pagbaha.

 “I don’t want my child to suffer (Ayokong nahihirapan ang anak ko),” aniya.

 Sa kanyang pagpunta sa Maynila ngayong Martes, sinabi ni Mrs. Baterbonia na plano niyang i-uwi ang labi ng kanyang anak matapos ang autopsy, ngunit sinabi sa kanya na aabutin ng tatlong araw ang proseso.

 Sinabi naman ni Cane kay Baterbonia na tumawag lamang kung kailangan niya ng anumang tulong o suporta habang nasa Maynila.

 Magdadaos ng misa ang Ateneo para kina Bobet (Baterbonia) at Divine (Adili) sa Biyernes, Hunyo 12, alas diyes ng umaga sa Senior High School Chapel. Bukas ang misa para sa lahat.

“We extend our deepest condolences to the families of both Bobet and Divine, to their loved ones, their teammates, and the entire community that loved them. We commend them both to God’s mercy, and we ask our community to pray for their families in this most difficult time,” pahayag ni Karel San Juan, SJ, president ng ADMU.

Ipinaabot ng pamahalaang panlalawigan ng Agusan del Sur ang kanilang pakikiramay sa pamilya, mga kaibigan, kakampi, at mga mahal sa ni Baterbonia.

“His untimely passing is a profound loss not only to the basketball community but also to the entire province that took pride in his achievements and admired his dedication to the sport,” ayon sa pamahalaang panlalawigan.

Sinabi ng Ateneo na nagbibigay sila ng suporta sa mga pamilya nina Baterbonia at Adili, gayundin sa kanilang mga kakampi at iba pang miyembro ng komunidad ng Ateneo na naapektuhan ng trahedya.

“We respectfully ask for privacy and space for all those grieving as they come to terms with this profound loss,” ayon sa paaralan.

Sinabi naman ng alma mater ni Baterbonia sa Agusan del Sur, ang Talacogon National High School (TNHS), na sila ay na sila ay nagulat at nalungkot sa pagpanaw ng isa sa mga pinagmamalaki nilang estudyante.

“Before he became a household name on the national hardcourt, Rene Clert was our pride — a dedicated student, a fierce competitor, and an inspiration to his fellow students. His journey from the courts of TNHS to the grand stages of Philippine sports was nothing short of legendary,” ayon sa post ng paaralan sa Facebook.

Nagpaabot din ng pakikiramay ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sa mga pamilya nina Baterbonia at Adili.

“As the national sports association for basketball, the SBP has been in communication with the university’s basketball officials to determine what assistance may be needed, with particular attention given to those most affected by this tragic incident,” pahayag nito.

“During this difficult time, we stand in solidarity with the families, teammates, coaches, friends and the entire Ateneo community. We join them in mourning this heartbreaking loss and offer our prayers for strength, comfort and healing.”

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles