Handa nang sumabak sa back-to-back projects ngayong taon ang Sparkle artist at Primetime Action Hero na si Ruru Madrid. Excited na nga ang aktor para sa upcoming primetime series na “Hari ng Tondo,” kung saan makakasama niyang muli ang award-winning Kapuso Drama King na si Dennis Trillo.
Sey ni Ruru “Finally, ngayon sa isang teleserye, mas mahaba, mas maraming oras na magkakasama kami ni Kuya Dennis so I’m very excited”.
Bibida rin ang aktor sa kanyang kauna-unahang Cinemalaya full-length film na “Kamay ni Bathala,” kung saan gaganap siya bilang sundalo.
Ipapalabas ang pelikula ngayong darating na Agosto.
Kamakailan ay natapos na rin ni Ruru ang taping sa Spain para sa isa pa niyang pelikula, and Los Salvajes Bravos.


