Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Ron Angeles, binaha ng aplikante

Hindi daw nakikipaglokohan o nagbibiro ang kontrobersyal na hunk actor na si Ron Angeles ng sadya niyang ipinost sa kanyang FB account ang paghahanap niya ng kasambahay.

Marami kasing netizen ang naaliw at natuwa sa nag-viral na post ni Ron na dinagsa at binaha ng mga aplikante mula sa iba’t-ibang grupo, mapa-lalaki, babae, bakla, tomboy, nanay o kahit ng mga kapwa niya celebrities.

Meron pang nagpi-prisinta na kahit libre ay willing maging kasambahay ni Ron at kahit umano ang pagligo dito ay handa nilang gawin.

Seryoso naman silang sinasagot ni Ron na naglatag ng mga qualifications gaya ng maasikaso, masipag, marunong magluto at hindi tsismosa. Hindi man nito binanggit ang isyu sa sahod ay ipinagpapalagay ng marami na hindi naman siguro sila malulugi kung saka-sakali.

Hanggang sa sinusulat natin ito ay wala pang latest update kung meron ng nakuha ang hunk actor na panay ang post sa kanyang socmed ng mga bagay bagay na ginagawa ng isang hinahanap na househelp gaya ng paglilinis at pagluluto.

Sa dinami-dami kasi ng mga aplikante at gustong manilbihan sa aktor ay ni-require na nitong maglagay ng picture ang mga ito para sabihing seryoso siya na sinunod naman ng mga netizen kaya’t marami ang natutuwa at natatawa kung paano daw itong pipiliin ni Ron. Umaabot na sa daang libo ang mga reactions at komento sa nasabing FB post ni Ron.

Sa ngayon ay busy si Ron sa kanyang mga ginagawang assignments sa TV gaya ng ongoing TV series niya sa GMA7 at isang hindi pa binabanggit na movie project.

Seryoso pa rin ito sa paghahanap ng iba pang posibleng makuha na witnesses para sa isinampa nilang kaso laban sa mga nagpakalat ng sex videos niya kamakailan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles