Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Andrea Brillantes-Ricci Rivero-Juliana Gomez, sinadyang mag-iwasan?

Muntik-muntikan na palang magkita ang dating magdyowang sina Andrea Brillantes at Ricci Rivero sa PBA game nitong Linggo.

Naglaro si Ricci para team niyang Phoenix Fuel Masters though natalo ang team kahit pa nakapagtala ang cager ng pinakamataas ng score na 26 points. 

Actually tinambakan ang team ni Ricci dahil 27 points ang lamang ng nakalaban nilang Converge team.

Pero balitang naging feeling winner na rin ang basketbolista dahil full support sa kanya ang girlfriend na si Juliana Gomez, na live siyang pinanood at nag-cheer.

Naging center of attraction pa nga sina Ricci at Juliana dahil right after the game ay lumapit agad ang una sa huli to greet and console his boyfriend.

May pa-kiss pa sa noo ng unica hija nina Richard Gomez at Lucy Torres para kay Ricci na ikinakilig ng maraming mga fans na nandun. Dedma naman ang dalawa kahit marami ang nakatingin sa PDA nila sa court.

Pero ang tila nagmukhang “showbiz intriga” ay ang madalian umanong paglabas nina Ricci at Juliana sa venue ng Araneta Coliseum.

Ang tsika pa ng mga Marites, kaya daw tila nagmamadaling lumabas ng Araneta Coliseum ang dalawa ay para maiwasan ang pagdating ng ex-gf ng basketball player na si Andrea Brillantes. 

Special guest kasi si Andrea o Blythe sa halftime ng PBA game last Sunday to promote her action-series sa TV5 na “A Secret in Prague” kasama si Enrique Gil.

Mabilis na nag-wan-plus-wan ang mga fans sa pangyayari at may nagsabi pang “sinadya” daw ito para maiwasan ang anumang gulo o dagdag pang intriga.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles