Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Robin Padilla, “isyu pa ba iyan?”; reaksyon ni Sharon Cuneta, inaabangan?

“Isyu pa ba iyan?,” ang sagot sa BISTADO ng isang malapit at pinagkakatiwalaang kaibigan ni Senator Robin Padilla nang kunan ito ng reaksyon sa ‘latest’ encounter ng Senador sa Senado last May 12, Martes.

Ang pinag-uusapan at viral na ngayong “heated argument” sa pagitan ng aktor-pulitiko at ni Sen. Kiko Pangilinan ang tila isang usapin sa showbiz-political world na mistulang teleserye ang mga opinyon ng sambayanan,

“I still have the floor,” ang pinagmulan ngang “pasigaw o sigaw” na pahayag ni Sen. Kiko habang nagsasalita pa ito bago siya siningitan ng reaksyon ni Sen. Padilla sa usapin pa rin tungkol kay Sen. Bato dela Rosa at NBI.

Hindi nga daw matanggap ni Robin na sinigawan siya ni Kiko at humiling pa sa Ethics Committee ng Senate na magbigay ito ng apology sa kanya sa mismong plenaryo kung saan daw naganap ang “paninigaw.”

Sa paliwanag naman ni Sen. Loren Legarda ay baka daw sanhi lang ng pagiging dating ‘broadcaster’ ni Kiko ang sinasabing “pagsigaw o pagtaas ng boses” nito na hindi naman binili o tinanggap ni Robin.

Sa mga nagkakalat na videos ngayon mula sa mga news outlets gaya ng ABS-CBN, GMA 7, Bilyonaryo at TV5, maririnig at makikita ang effort ni Kiko na makipag-ayos kay Robin sa harap ng iba pang Senador. 

May tagpong ini-aabot ni Kiko ang kamay nito kay Robin na dinedma lang ng huli.

Maririnig ding tila nagkaka-initan pa sila dahil ayon kay Kiko ay parang siya pa itong tini-threaten ni Robin na sinagot naman ng huli ng, “ako pa ang nanakot ngayon?”

Sanhi nito ay mabilis na kumalat sa showbiz world ang insidente at naglabasan na naman ang mga anti-Robin sentiments at wala ngang pagsidlan ang pamba-bash na ginawa nila laban dito. 

Kahit ang asawa nitong si Mariel Rodriguez ay idinamay pa ng netizen at ilang showbiz personalities kaya’t sinubukan ng BISTADO na kuhanan ng reaksyon ang isang taong malapit na malapit sa mag-asawa.

“What else is new? Eversince naman na naging Senador si Robin ay marami ng ganyan  sa mismong industriya kung saan siya galing. Wala lang iyan kay Binoe (Robin). Sanay na siya sa ganyan. Ma-prinsipyong tao iyan at laging katotohanan ang nais na ipairal. Kayang-kaya niya iyan,” sagot ng BISTADO source.

Hanggang sa mga sandaling ito ay wala pang update sa naging tila girian ng dalawang Senador at tila pagkampi-kampi ng mga iba pa nilang kapanalig o kaaway sa pulitika.

May mga nang-iintriga din sa posibleng maging pahayag ni megastar Sharon Cuneta, na asawa ni Sen. Kiko at alam naman sa showbiz na naging boyfriend ni Sen. Robin at matalik din nitong kaibigan. 

In fact, may nakatakda nga silang gawin na  movie together sa mga susunod na panahon under sa kapwa nila mahal na Viva Entertainment.

Abangan!.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles