Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Karen Davila-Mel Tiangco, puring-puri ng netizen

Puring-puri ng netizen at mga nakatutok sa mga nangyayari ngayon sa Senado ang mga news anchors na sina Karen Davila at Mel Tiangco.

Sa magkahiwalay nilang mga programa sa TV ay parehong nagpaunlak sa kanila ang kontrobersyal na Senador Bato dela Rosa hinggil sa pangyayaring “habulan at drama” sa Senado noong Lunes, May 11.

Sa programang 24 Oras kung saan main anchor si Mel Tiangco sa GMA 7, ay diretso nitong ipinukol kay Sen. Bato ang mga tanong gaya ng anim na buwan nitong pag-absent sa Senado, ang bigla nitong pagsulpot noong Lunes, at ang posibleng pagsuko nito sa mga operatiba ng NBI sa bisa ng ‘reported warrant of arrest’ mula sa ICCI.

Sinagot ito ni Sen. Bato na hindi niya masasagot sa ngayon kung posible na siya’y sumuko dahil baka daw sa bandang huli ay muli na naman siyang masisisi na hindi naninindigan sa kanyang salita.

Sa obserbasyon ng netizen ay halata daw na nagpipigil lamang ng kanyang “inis” ang batikang news anchor na nagpakita daw ng tapang sa pagtanong sa kontrobersyal na Senador.

Samantala sa TV Patrol kung saan nakapanayam din ni Karen Davila si Sen. Bato ay tahasan ding tinanong ng award-winning broadcast-journalist ang tila sentimyento ng mga pinoy kaugnay ng pagiging dating Chief PNP ni Bato na umano’y nakita ngang tila duwag, matapang lang daw sa salita pero tumatakbo pala o nagtatago?

“Bahala sila. They are entitled to their own opinion,” ang bukod tanging naisagot ni Sen. Bato sa mga ibinatong tanong sa kanya ni Karen.

Dahil nga sa naturang mga pangyayari ay mabilis na nag-trending ang parehong interview ng dalawang batikang news anchors kay Sen. Bato at kapwa sila pinupuri sa taglay nilang tapang at husay.

May mga netizen din namang bumatikos at pumunang tila hindi umano naging professional ang pag-handle ng dalawa nang paraan ng pagtatanong dahil halata daw na may mga “bias” ito sa disgusto nila kay Bato.

May ilan pa ngang tila kinakantiyawan at kinukwestyon din si Mel dahil ang anak daw nitong singer-artist na Wency Cornejo ay lantad na DDS at supporter ng mga Duterte.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles