Pinag-uusapan na naman ng mga Kapamilya viewers and solid followers si Senator Robin Padilla, bilang latest addition sa action-drama series na “Blood vs Duty.”
Sa mahabang post ng Senador sa kanyang FB account ay lubos itong nagpapasalamat sa pamunuan ng ABS-CBN at FRB Prodn. studio sa oportunidad na ibinigay sa kanya para maging bahagi ng action-drama series.
Narito ang kabuuang FB post ng aktor-pulitiko:
” Assalamu alaikum! Ako po ay nagpapasalamat sa pamunuan ng ABSCBN at sa buong produksyon ng Blood vs Duty na teleserye sa pangunguna ni ginoong Richard Gutierrez at direk Gerald Anderson. Bilang tagapangulo ng mga komite ng Senado sa usapin ng Public Information at Mass Media, pati na rin ng Cultural Communities at Muslim Affairs) Isang karangalan po sa akin ang mapasama sa makasaysayang teleserye na ito, Ako po ay nagpapasalamat ng buong puso sa balanseng paglalahad sa istorya patungkol sa buhay ng mga kababayan ninyong mga filipino Muslim. Ang malinaw na pagpapakita ng aming pananampalatayang Islam ay ginintuan sa aming mga mata, Ganon din ang mga tradisyong katutubo ng mga tribo patungkol sa pamilya at komunidad ay kayamanan ng ating bayan sapagkat isa itong kaalaman ng pangkalahatan at magbibigay ito ng malawakang pagkakaintindihan tungo sa inaasam nating kapayapaan sa ating bansa. Ang pagiging inclusive ng Abscbn ay siyang pinakamalaking hakbang hindi lamang sa entertainment media kundi sa lahat ng sangay ng mass media. In shaa Allah ay maging daan ang teleserye na ito upang magkaroon ng salamin ang ating mga kababayan sa mga tunay na ganap sa ating Bayan.”
Dahil dito, mabilis din namang naglabas ng kanilang saloobin ang mga taga-tangkilik ng ABS-CBN na sinabi pang isang malaking pagkakamali ang muli nilang kunin si Robin.
Sa online world ay wala kang mababasa na sumang-ayon sa desisyon ng ABS-CBN at produksyong nagpapatakbo ng series upang gawing bahagi ng show ang tinatawag na Bad Boy ng Action sa showbiz na si Robin.
Ang ilan sa matatapang na komento sa socmed laban sa Senador ay nagsasabi ng ganito though, lahat sila ay naka-anonymous:
“Di ka nmn Muslim. Btw nanggulo ka ba ulit ng scripts?
“And yet you also disrespect the religion nung sinabi mo mag-Muslim si Aljur para makarami siyang babae.”
“The downfall of JRB production studio.”
“Robin thinks he represents all the muslim audience, quite overstating himself. Mahangin talaga pag naging no 1 sa senate, iba ang ere..
feel na feel.”
“Robin, you mildy represent a smidge of the Muslim culture sa atin. Iba ka eh, iba ang buhay mo.”
“Samantalang noong ipinasara (ang ABS-CBN) tameme kang _dot ka.”


