Emosyonal na humarap sa kamera si Robb Guinto at nagpahayag ng kanyang pagkadismaya sa tinuran ng ngayo’y kanyang ex-boyfriend na si Yasser Mata sa programa ni Boy Abunda na Fast Talk kamakailan.
Sa kanyang Tiktok account na ni-repost sa ibang platform, umiiyak na sinabi ng sexy actress na hindi daw niya umano maunawaan kung bakit ginawa ni Yasser ang sa tingin niya ay hindi nararapat kaugnay ng kanilang naging break up.
Ayon kay Robb, bago pa man daw ang naturang guesting ni Yasser sa show ni Kuya Boy ay nagkausap na sila, nagtapos at nagpa-alaman na bilang mag-bf-gf at naghangad pa nga daw ng maayos na pag-move on sa isa’t-isa.
“Hindi ko maintindihan ang kanyang ginawa, ang kanyang sinabi na mayroon kaming pinagdadaanan gayung break na kami at nakipaghiwalay na ako sa kanya? Ano ang kanyang purpose? Dahil ba sa nagpo-promote siya ng kanyang show?,” bahagi ng pagbuhos ng saloobin ni Robb.
Sa naturang panayam kasi kay Yasser sa programa ni Boy Abunda, naitanong dito ang estado ng kanyang relasyon kay Robb.
Umiiyak at emosyonal na sinagot ng aktor na ayaw niyang sagutin sana dahil ayon pa sa kanya, mayroon silang pinagdadaanan at inaayos pa nila ito, bilang sila pa as gf-bf.
Until ni-reveal ni Robb na kaya siya nakipaghiwalay sa aktor ay dahil sa pag-iisip nitong mayroon na siyang karelasyong ibang lalaki habang sila pa. In short, pinagdududahan umano siya ni Yasser na nag-cheat.
“Masakit. Nang dahil sa pareho kaming busy at halos wala na kaming oras para sa amin ay maisipan niya ang ganun, grabe. Mabuti pang naging totoo na lang yung bintang niya para hindi ko nararamdaman ang ganito,” umiiyak pang pahayag ng maganda at seksing aktres.


