Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Jobless Pinoys bumaba sa 2.77M noong August, pero mas marami pa rin kumpara 2025

Bumaba ang bilang ng mga walang trabaho sa bansa noong August 2026, pero nananatiling mas mataas ito kumpara sa kaparehong buwan noong nakaraang taon, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Mula 6.0 porsiyento noong July, humupa sa 5.3 porsiyento ang unemployment rate noong August.

Katumbas ito ng tinatayang 2.77 milyong Pilipinong walang trabaho, mas mababa sa 3.14 milyon noong July.

Pero hindi pa rin ito kasingganda ng August 2025, nang nasa 3.9 porsiyento lamang ang unemployment rate at humigit-kumulang 2.03 milyon ang jobless.

Umakyat naman sa 49.79 milyon ang bilang ng may trabaho noong August mula 49.21 milyon noong July. Mas mababa pa rin ito sa 50.10 milyong employed persons noong August 2025.

Nasa 94.7 porsiyento ang employment rate, mas mataas sa 94.0 porsiyento noong July pero mas mababa sa 96.1 porsiyento noong kaparehong buwan noong nakaraang taon.

Umabot sa 52.56 milyon ang labor force, o mga edad 15 pataas na may trabaho o aktibong naghahanap ng mapapasukan.

Pinakamalaking bahagi ng employment ang services sector na may 61.7 porsiyento. Sumunod ang agriculture sa 20.9 porsiyento at industry sa 17.3 porsiyento.

Pinakamaraming dagdag na trabaho year-on-year ang naitala sa agriculture and forestry na may 532,000, education na may 298,000, accommodation and food service activities na may 195,000, transportation and storage na may 185,000, at human health and social work activities na may 142,000.

Pero may malalaking bawas din.

Nawalan ng 350,000 jobs ang manufacturing, 335,000 sa fishing and aquaculture, 269,000 sa wholesale and retail trade, 220,000 sa public administration and defense, at 212,000 sa other service activities.

Bumaba rin sa 11.9 porsiyento ang underemployment rate mula 12.9 porsiyento noong July.

Katumbas ito ng 5.90 milyong employed Filipinos na naghahanap pa ng dagdag na oras ng trabaho, panibagong trabaho o mas mahabang working hours.

Gayunman, mas mataas pa rin ito sa 10.7 porsiyentong underemployment noong August 2025.

Sa youth sector, nasa 84.3 porsiyento ang employment rate, mas mataas sa 81.4 porsiyento noong July pero mas mababa sa 88.3 porsiyento noong August 2025. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles