Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Road Warriors 2-0 na sa PBA Govs’ Cup Group A

Nalusutan ng NLEX ang Terrafirma, 101-100, upang umangat sa 2-0 sa Group A ng PBA Season 50 Governors’ Cup sa Ynares Center Montalban nitong Linggo.

Mistulang papunta na sa kumbinsidong panalo ang Road Warriors matapos makapagtayo ng 90-67 na kalamangan ngunit bigla silang na-outscore ng Dyip, 33-11.

Pinangunahan nina Maverick Ahanmisi, Juami Tiongson at Justin Strings ang paghabol ng Dyip, kung saan ang 15-foot jumper ng import ang naglapit sa iskor sa 101-100, may 42.7 segundo pang nalalabi.

Nagkaroon pa ng pagkakataon ang koponan ni coach Ronald Tubid na maagaw ang panalo nang mabawi nila ang bola sa huling 10 segundo matapos kapwa pumalya sina Robert Bolick at Xyrus Torres sa kanilang tig-isang tres.

Ngunit sumablay si Strings sa isang minadaling three-point attempt, habang naubusan ng oras si Geo Chiu, na nakakuha ng offensive rebound.

“I think we’ve got to give a lot of credit to Terrafirma. I thought they played great,” ani Road Warriors coach Jimmy Alapag matapos ang panalo na nag-angat sa kanila sa liderato ng Group A.

Sa tampok na laro, tinambakan ng Converge ang Titan Ultra, 105-74, upang ibigay rito ang ikalawang sunod na kabiguan.

Nakulangan si Alapag sa kanilang panalo na malayong-malayo sa 114-75 na pagdurog nila sa Macau noong Biyernes.

“I have to do a better job. I don’t think I did a very good job in that fourth quarter,” ani Alapag.

“I think the (Dyip’s) zone (defense) gave us some issues, but again that’s credit to Terrafirma and their coaching staff. But I thought we made the stops when we needed to. Even though the shots weren’t going down we were able to get the stop, especially the last shot, to win the game.”

Sa kabila ng pagtama lamang ng dalawa sa siyam na tira sa buong second half, nanguna pa rin si NLEX import DeQuan Jones sa lahat ng scorers sa kanyang 30 puntos, bukod sa pitong rebounds, apat na assists at tatlong blocks.

Nag-ambag naman si Schonny Winston ng 13 puntos, habang nagtala si Bolick ng 12 puntos at pitong assists.

Nagposte si Ahanmisi ng 19 puntos, anim na rebounds at anim ding assists, habang nagtala rin si Tiongson ng 19 puntos.

Nag-ambag naman si Strings ng 18 puntos, 13 rebounds at anim na assists para sa Terrafirma matapos malimitahan sa limang puntos lamang sa first half.

The scores

First Game

NLEX 101 – Jones 30, Winston 13, Bolick 12, Alas 9, Bahio 8, Semerad 8, Gonzales 5, Valdez 4, Herndon 4, Torres 3, Rodger 3, Capulong 2, Ramirez 0, Gamboa 0, Nieto 0.

TERRAFIRMA 100 – Ahanmisi 19, Tiongson 19, Strings 18, Catapusan 9, Bravo 9, Eriobu 7, Paraiso 6, Hanapi 6, Chiu 5, Umali 2, Mariano 0, Zaldivar 0.

Quarters: 32-29; 65-48; 90-67; 101-100

Second Game

CONVERGE 105 – Hudson 20, Concepcion 16, Arana 14, Williams 13, Clemente 9, Garcia 8, Abueva 6, Baltazar 6, Tungcab 6, Lepalam 5, Gomez de Liano 2, Policarpio 0, Muiyang 0, Eguilos 0.

TITAN 74 – Yu 14, Sajonia 14, Caralipio 10, Ular 9, Javillonar 7, Munzon 6, Sumang 6, Cuntapay 4, Omega 2, Ambohot 2, Inigo 0, Dionisio 0, Amores 0.

Quarters: 19-9; 50-26; 78-49; 105-74

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles