Sagad-sagaran ang paglabas ngayon ni Rico Blanco sa mga TV and vlog interviews para sa promo ng kauna-unahang lead role niya sa ‘Project Baby’ ng Regal Entertainment.
Mukhang tinanggal na din niya ang kanyang hiya at pagiging aloof sa mga tanong na may kaugnayan sa kanyang personal na buhay gaya na lang sa pinag-usapang interview niya sa Fast Talk with Boy Abunda sa GMA 7 nitong May 21.
Sa nasabing interview ng King of Talk, naitanong sa music rock icon ang mga lessons in love na kanyang natutunan lalo’t ang huling relasyon niya ay taga-showbiz na matatawag na ‘high profile’ dala ng pagiging mas bata sa edad at kasikatan ni Maris Racal.
Ang naging break-up nila ay isa din sa mga matinding pinag-usapan sa showbiz.
Kuwento ni Rico, “I thought before that if you found someone who you really loved and they loved you too, that was enough. No. There’s other stuff like where you are in life, where the other person is in their life and ‘yung timing niyo, ‘yung timetable niyo. ‘Yung edad mo, ‘yung edad ng ibang tao. Medyo siguro naive ako dati or hindi ko alam kung ganoon ba dapat, that’s what I’m trying to find out. Baka napunta rin ako sa masyadong opposite end na hindi lang ‘yun lahat, that I need to relax that observation also.”
“Feeling ko marami na, pero feeling ko marami pa akong matutunan. Especially itong past couple of years, medyo nagtatanong-tanong pa rin ako,” dagdag pa nito sa naturang leksyon na kanyang natutunan.
“All the time,” naman ang kanyang sagot sa kung naranasan na din ba niyang umiyak o iyakan ang mapait na break-up o pakikipaghiwalay sa mga nakarelasyon niya.
Dahil dito ay maraming mga netizen ang humanga at nagbigay ng positive feedback sa musician na mas pinili nga daw manahimik at maging gentleman sa gitna ng hindi ganung kagandahang paghihiwalay nila ni Maris.
Subalit gaya ng isang matapang na pinoy, kapag usaping puso nga daw ay tila walang sapat na rule dahil aniya, “Siguro ibigay mo pa rin lahat kasi kahit anong mangyari, there will be no regrets afterwards, right?”
Although ‘single’ daw siya at the moment, bukas na bukas pa rind aw ang kanyang puso na ma-involve at ma-attach sa sinumang makapagpapatibok nito.
Handan na din umano siyang maging isang ‘asawa at ama’ lalo’t may mga sarili na din siyang mga pamangkin at inaanak na nagsisilbi at itinuturing niyang mga ‘anak.’
At dahil sa PROJECT BABY na nagbigay puwang sa kanya bilang isang leading man o lead actor, sana daw ay makita din ng mga moviegoers ang angkin niyang talino sa pagganap at dedication at passion niya sa medium na ito na gaya daw sa music at bilang singer, “needs to have coherence with sound, lyrics, mood, emotions and all.”
“A form of art that is so lovely and wonderful to pursue and explore. Ibang klaseng high,” dugtong pa ni Rico.
Showing na ang Project Baby ngayong June 11 sa mga sinehan at ang magandang si Sue Ramirez ang kanyang leading lady dito.


