Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Regine-Donna-Mikee, iconic trio noong 90’s, kinagiliwan

Sa unang gabi ng “FINALE” concert ni Regine Velasquez noong Sabado, Oct.17 ay muling kinagiliwan ng mga manonood ang pagsama-sama uli sa stage nina Donna Cruz at Mikee Cojuangco at awitin ang ‘iconic’ theme song na “I Can” mula sa 1996 barkada hit movie na “DoReMi” (unang dalawang letra ng mga names nila).

Minsan na nila itong nagawa sa ilang concert ni Regine, subalit higit daw itong madamdamin at naging emosyonal dahil gaya nga ng napauna ng mga balita, ito na rin ang magsisilbing “final” concert ni Regine para sa mga awiting bumibirit siya at mag-re-reinvent na nga ito sa ibang ‘genre’ na babagay sa kanyang boses sa ngayon.

“Actually, sort of finale na nga dahil kung may mga susunod mang mga shows si Regine, mag-veer away na ito doon sa nakasanayan ng mga tao na laging matataas at birit ang style. Finale na rin o kung baga baba-bye na siya sa pagkanta ng mga songs na hindi naman sa kanya,” ang pahayag ng mga nasa likod ng produksyon ng FINALE, na magtatapos ngayong Linggo (18) at sa Lunes, Oct. 19.

Kaya nga daw mas naging madamdamin ang pagsama-sama sa stage ng tatlo na pawang mga pamilyado na rin at masaya sa kanilang married and family lives.

Si Donna Cruz ay may mga dalaga at binata na ring mga anak at happily settled na siya sa Cebu City with Dr. Yong Larrazabal.

Si Mikee naman ay proud mom and wife kay Vice Mayor Dodot Jaworski ng Pasig City at mayroong na din siyang anak na nasa showbiz na din, si Robbie Jaworski.

Of course, bantog sa music and showbiz scene si Regine bilang maybahay ni Ogie Alcasid at anak nilang si Nate na nagsisimula na ding sumunod sa mga yapak nila bilang isang musikero.

Well-received ang nasabing production nila at inawit din nilang tatlo ang

“A Little Love Goes a Long Way,” bilang pag-selyong muli sa maganda nilang friendship beyond showbiz.

Sabi nga ng Asia’s Songbird sa kanyang pasasalamat sa mga kaibigan, “We kept in touch. We tried to find out what’s happening with each other. We may not see each other as often as we want to — but real friends are like that, we never forget.”

Ilan sa mga famous songs na muling inihandog at binigyan ng bagong tunog at rendition ni Regine ay ang “Narito Ako,” “You Are My Song,” kung saan hindi napigilan ni Regine ang umiyak.

At malugod din siyang pinalakpakan at pinuri sa mga kantang “You’ve Made Me Stronger,” “Kung Maibabalik Ko Lang,” “Pangarap Ko ang Ibigin Ka,” “Pangako,” “Kailangan Ko’y Ikaw,” hanggang sa duet nila ng mister na si singer-songwriter Ogie Alcasid, ng “Hanggang Ngayon.”

Grabe di ang naging reception sa kanya ng madla ng muli niyang awitin upon request ng kanyang sister-manager na si Cacai Mitra ang very famous song na “I Don’t Wanna Miss A Thing,”  ng Aerosmith subalit higit na tumatak o inakala ng lahat na si Regine ang original singer.

Ilan sa mga kilalang celebrities na nanood sa unang gabi ng concert ay sina Vice Ganda, Jolina Magdangal, Melai Cantiveros, Jason Francisco, Darren Espanto, Jona, Kyla and Darla Sauler.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles