Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Creamline, Nxled, sumosyo sa liderato ng PVL Siklab

Ipinamalas muli ng Creamline ang malawak na karanasan nang makabawi sa pagkadapa sa unang set at biguin ang Galeries Tower, 27-29, 25-18, 25-19, 25-18, para gumawa ng three-way tie sa liderato ng Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference Siklab Series nitong Sabado ng gabi.

Matapos biglain ng Highrisers sa unang set, kalmadong bumawi ang Cool Smashers sa pamamagitan ng pagdomina ng sumunod na tatlong set upang kumpletuhin ang dalawang oras at walong minutong panalo sa Playtime FilOil Centre sa San Juan City.

Nakapantay nila sa maagang liderato ang Nxled Chameleons, na nanalo sa unang laro, at Choco Mucho Flying Titans sa kartada 2-0.

“We had a slow start, we had a hard time to execute where we had to deal with our basic errors, including blocking on the right side,” ani Tots Carlos, na nanguna sa opensa sa naitalang 13 puntos.

Naghatid rin si Jema Galanza ng all-around performance sa pagtatala ng 12 puntos, 12 excellent digs at 11 receptions, habang nagdagdag si Alyssa Valdez ng 10 puntos.

Pinangunahan ni Bea de Leon ang depensa sa net sa pamamagitan ng walong puntos, kabilang ang apat na block.

Nag-ambag sina Michele Gumabao at Pangs Panaga ng tig-pitong puntos.

Nakumpleto nina Rose Vargas at playmaker Jia de Guzman ang balanseng opensa sa tig-limang puntos, habang pinangunahan ni De Guzman ang pag-atake sa pamamagitan ng 16 excellent sets.

Buong tapang na lumaban si Erika Deloria upang panatilihing buhay ang pag-asa ng Galeries Tower, matapos manguna sa lahat ng scorers sa naitalang 21 puntos.

Nagbigay naman sina Shola Alvarez at Jean Asis ng 11 at siyam na puntos, ayon sa pagkakasunod.

Lagapak ang Highrisers sa ikalawang sunod na pagkatalo, kapantay ng Akari Chargers.

Umasa ang Nxled sa matibay na depensa at sa mga krusyal na puntos ni Myla Pablo upang mapigilan ang determinadong pagbawi ng Farm Fresh, 25-19, 25-17, 23-25, 20-25, 15-12.

Nagpakawala ang Chameleons ng 23 blocks kumpara sa anim lamang ng Foxies, bago umasa sa beteranang si Pablo sa deciding set.

Bumagsak sa 1-1 ang Farm Fresh.

Bagama’t napunta kay Brooke Van Sickle ang karangalan bilang Best Player of the Game, naghatid si Pablo ng krusyal na ambag sa pinakamahalagang bahagi ng laban.

Kumana siya ng huling apat na puntos ng Nxled upang tapusin ang tensiyonadong bakbakan sa ikalimang set.

Nagtapos si Van Sickle na may 20 puntos, anim na blocks at 16 excellent digs.

“We have become predictable and really glad and happy for the team for digging big,” ani Van Sickle, na sinabi rin na lubos ang pagod nya.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles