Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Rally kontra SOCOTECO II-Ignite partnership, nilangaw

Nilangaw umano ang prayer rally laban sa planong joint venture ng South Cotabato II Electric Cooperative (SOCOTECO II) at Ignite Power matapos kapusin sa inaasahang dami ng kalahok ang pagtitipon noong Sabado sa General Santos City.

Tinatayang 2,000 katao lamang ang dumalo sa “Kahayag sa Tanan” prayer rally at candle-lighting activity sa Pioneer Avenue at Plaza Heneral Santos—malayo sa iniulat na inaasahang 3,000 hanggang 7,000 kalahok.

Ayon kay General Santos City Police Director Col. Ariel Acala, naging mapayapa ang aktibidad. Karamihan sa mga dumalo ay mula sa General Santos, Sarangani at South Cotabato. Hindi umano umabot ang pagtitipon sa inaasahang tatlo hanggang pitong libong raliyista.

Mas maliit din umano ang crowd kumpara sa libo-libong member-consumer-owners (MCOs) na dumadalo sa information, education and communication sessions ng SOCOTECO II mula pa noong Agosto 6. 

Sa mga session, ipinaliliwanag ang problemang pinansyal at operasyon ng kooperatiba, pati ang mga pamumuhunang ipinapanukala ng Ignite Power.

Noong Hulyo 25, mahigit 32,000 MCOs ang nagpahayag ng suporta sa proposed partnership sa kanilang 43rd Annual General Membership Assembly. Nagpasa rin sila ng resolusyong nagbibigay ng awtoridad sa SOCOTECO II na pumasok sa conditional JVA at magsagawa ng plebisito.

Hindi pa pinal ang kasunduan. Kailangan pa itong aprubahan ng 50% plus one ng lahat ng kwalipikadong MCOs sa plebisito sa Setyembre. Tinatayang 200,000 miyembro ang inaasahang boboto sa apat na weekend — Setyembre 5–6, 12–13, 19–20 at 26–27.

Ang Ignite Power ay partnership ng Primelectric Holdings Inc. ni Enrique Razon Jr. at MP Holdings ni Manny Pacquiao.

Sa ilalim ng panukala, maglalagak ang Ignite ng bagong kapital para kumpunihin at gawing moderno ang distribution system ng SOCOTECO II. Kabilang sa programa ang pag-upgrade at pagdagdag ng mga substation, pagpapalit ng lumang distribution lines at kagamitan, pagpapalawak ng network capacity at pagpapahusay ng customer-service systems. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles