Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

RabGel fans, maraming aabangan kina Rabin at Angela

Buhay na buhay na naman sa online world ang RabGel fans! Super excited na kasi sila na muling mapanood sa bagong show ang bias nilang loveteam.

Matapos kasing magpakilig sina Rabin Angeles at Angela Muji sa Wattpad series adaptation of “Seducing Drake Palma” at pelikulang “A Werewolf Boy” earlier this year, ay muli na naman silang aariba hindi lang para magpakilig kung hindi para i-showcase ang versatility nila sa action, comedy at drama.

Kaabang-abang ang anthology ng RabGel sa Viva One Originals

Apat na magkakaibang episode ang mapapanood every Friday simula May 15 hanggang June 5.

Sa first episode nag ala Robin Padilla at Vina Morales sa mga action scenes nila ang RabGel sa Ang Rider Kong Hoodlum.

Sumabak naman sa comedy si Rabin kasama si Jerald Napoles sa Same Day Error’

Wish granted naman ni Angela sa episode na My CEO Thinks I’m a Robot dahil kasama niya ang magaling na aktor na si Carlo Aquino

At ang siguradong magpapakilig ang RabGel sa romantic finale episode ng anthology nila na Us Maybe on June 5.  

Hoping naman si Rabin na sa next anthology ay makasama niya sa rom-com episode si Julia Barretto na super crush niya. 

Ganon din ang mga paborito niyang actor na sina Robin Padilla at Dennis Trillo. Gusto niyang sumabak sa mas intense na action scenes with Senator Robin. Sa heavy drama naman niya gustong makasama si Dennis.

Bet naman ni Angela makipagtagisan ng aktingan kina Sharon Cuneta at Nadine Lustre.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles