Marami ang naiintriga nang mag-flex si Ellen Adarna sa kanyang Instagram account tungkol sa husay niya sa paghawak ng baril at paggamit nito.
Proud na ibinida ni Ellen ang bonding niya kasama ang dalawang kaibigan sa isang shooting range.
Post nga ni Ellen sa IG niya na naghahanap daw siya sa google kung saan mayroong sniper courses sa bansa pero wala raw siyang makita. Kaya naman kahit ang simpleng firing range activity ay na-enjoy niya.
“My assassin dreams are slowly coming to life. Last week I was googling sniper courses in the PH- None. Sooo at least naka fire ng feeling somewhat like a sniper today,” bahagi ng post ni Ellen na ikina-intriga ng netizen.
Obviously, sobrang saya ng aktres habang bumabaril at balak pa niyang bumaril ulit with her friends.
Aliw na aliw nga ang netizens at ilang socmed casuals sa ilang video na pinost ni Ellen.
May mga nagkomento pa nga na mas malakas pa raw ang sigaw ng ex-wife ni Derek Ramsay kesa sa putok ng baril.
Sinagot naman ito ni Ellen sa comsec ng IG post niya.
Reply ni Ellen, “nilabas ko na after years of suppression ha ha ha. ang saya pala mag sigaw sigaw!”
Ang nakakaloka, maraming netizens ang nagkokomento na parang may hinala raw sila kung bakit gustong mag-aral ng sniper courses ang aktres.


