Nanatiling pinakamalaking local economy sa Pilipinas ang Quezon City noong 2025, habang nanguna naman ang Occidental Mindoro sa pinakamabilis na economic growth, ayon sa pinakabagong report ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Batay sa 2025 Provincial Product Accounts (PPA), umabot sa P1.40 trillion ang ekonomiya ng Quezon City, katumbas ng 6.0 percent ng national gross domestic product (GDP).
Pumangalawa ang Makati City na may P1.27 trillion o 5.5 percent share, kasunod ang Laguna na P1.14 trillion o 4.9 percent at Manila na P1.06 trillion o 4.6 percent.
Ang Quezon City, Makati, Laguna, at Manila lamang ang local economies na umabot sa trillion-peso GDP noong 2025.
Kasama rin sa top 10 largest economies ang Cavite na P875.67 billion, Batangas na P713.22 billion, Bulacan na P694.81 billion, Taguig City na P686.68 billion, Pampanga na P627.89 billion, at Davao City na P601.68 billion.
Davao City lamang ang local economy mula sa labas ng Luzon island group na nakapasok sa top 10.
Samantala, Occidental Mindoro ang pinakamabilis lumagong provincial o highly urbanized city economy noong 2025 matapos magtala ng 11.2 percent growth. Ito rin ang nag-iisang local economy na nakapagtala ng double-digit growth.
Sumunod ang Capiz sa 8.7 percent, Maguindanao del Sur sa 8.63 percent, Antique sa 8.55 percent, at Davao del Norte sa 8.3 percent.
Sa kabuuan, 76 provinces at lahat ng 33 highly urbanized cities ang nakapagtala ng economic growth mula sa kanilang 2024 levels.
May 52 provinces at highly urbanized cities din na lumago nang mas mabilis sa 4.4 percent national GDP growth noong 2025.
Saklaw ng PPA results ng PSA ang economic performance ng lahat ng 82 provinces at 33 highly urbanized cities sa bansa, gamit ang constant 2018 prices. /Bistado


