Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

256 housing units itatayo sa Sigma, Capiz sa ilalim ng 4PH

ROXAS CITY, Capiz — Aabot sa 256 two-storey housing units ang nakatakdang itayo sa Barangay Mianay, Sigma, Capiz sa ilalim ng Expanded Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH) program.

Nagsagawa na ng groundbreaking ceremony ang Sigma municipal government kasama ang iba pang stakeholders para sa housing project. Bawat housing unit ay itatayo sa 42-square-meter area.

Sinabi ni Sigma Mayor Dante Rizal Eslabon na buong popondohan ng ALTABERG Realty Development Corporation ang proyekto.

Hangad ng lokal na pamahalaan na makapagbigay ng disente, ligtas, flood-free, at abot-kayang tirahan para sa mga residente ng Sigma at iba pang beneficiaries.

Ayon kay Eslabon, kabilang ang housing project sa kanyang mga hangarin matapos niyang makita noong 2022 ang hirap na dinanas ng mga residenteng naapektuhan ng pagbaha, partikular kapag malakas ang ulan.

Bukod sa pabahay, inaasahang magbubukas din ng trabaho ang construction ng proyekto para sa mga taga-Sigma.

Ayon sa mayor, napagkasunduan nila ng developer na ang mga manggagawa sa proyekto ay sasailalim sa training ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), habang bibigyan ng prayoridad ang mga job seeker mula sa Sigma.

Nauna nang sinabi ni Pangulong Marcos Jr. sa kanyang fifth State of the Nation Address na katuwang ng pamahalaan ang private sector at local government units sa pagtugon sa housing shortage.

“Katuwang ang pribadong sektor at lokal na pamahalaan, puspusan nating pinupuno ang kakulangan sa pabahay sa buong bansa. Ito ay ginagawa natin sa pamamagitan ng mga bagong komunidad, mga acquired assets ng Pag-IBIG Fund, Community Mortgage Program, resettlements, at pati na mga paupahan,” sabi ni Marcos. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles