Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Quezon City host ng 2027 Palarong Pambansa

Magbabalik ang Palarong Pambansa sa Lungsod ng Quezon matapos ang animnapu’t isang taon.

Pormal na tinanggap ni QC Mayor Joy Belmonte ang responsibilidad sa pagho-host mula kay Gobernador Santiago Cane Jr. ng Agusan del Sur sa ginanap na seremonyal na turnover sa pagsasara ng 2026 Palarong Pambansa noong Mayo 31.

“The 2027 Palarong Pambansa is a full circle moment for our city. The last time that QC hosted the Palarong Pambansa was 1966, sixty years ago, coinciding with the inauguration of our Amoranto Stadium. Since then, our city has been home to some of the most defining moments in Philippine sports history,” ani Belmonte.

Sa susunod na taon, layunin ng QC n na mabigyan ang bawat student-athlete ng di makakalimutan na mga karanasang na karapat-dapat sa pangunahing pambansang paligsahan sa palakasan ng bansa para sa elementary at secondary levels.

“Quezon City knows what it means to host greatness. And this is the experience that we want every Palaro athlete to carry with them in 2027. A champions’ experience, the same feeling countless world-class athletes have known on our grounds,” ani Belmonte.

Binigyang-diin din ni Belmonte ang papel ng QC bilang isang lagusan na nag-uugnay sa mga Pilipino mula sa iba’t ibang panig ng bansa.

Ang lokasyon sa Metro Manila ay angkop din para sa isang pambansang pagtitipon

“We thrive in the fact that all roads lead to, and through, us. We are proud to be connected to every corner of this great archipelago. And we carry this affinity with us as we open our home for next year’s Palarong Pambansa,” dagdag ni Belmonte.

Nasaksihan nina Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara at Undersecretary Malcolm Garma ang turnover ng watawat ng Palarong Pambansa.

Habang isinasagawa na ang mga paghahanda, nananawagan ang pamahalaang lungsod sa lahat ng Citizens na makibahagi sa pagsuporta at pagtanggap sa buong bansa sa Mayo 2027.

Ang turnover ng pagho-host ay hudyat ng pagbabalik ng Palaro sa National Capital Region (NCR), apat na taon matapos maging punong-abala ang Lungsod ng Marikina noong 2023.

Noon pang Oktubre 2025, bumisita na sa QC ang mga miyembro ng technical inspection team para sa Palaro 2027.

Kabilang sa mga binista ang facilities ng University of the Philippines Diliman, QC M.I.C.E Center sa city hall, Amoranto Sports Complex, Don Alejandro Roces Sr. High School at Quezon City High School.

Nag-courtesy call kay Belmonte ang inspection team, na binubuo ng mga kinatawan ng DepEd, Department of the Interior and Local Government at Philippine Sports Commission.

NCR ang overall champion sa Agusan del Sur matapos mag-uwi ng 91 golds, 71 silvers, 71 bronze medals.  

Pangalawa ang Calabarzon (55-50-60) at pangatlo ang Davao Region (34-32-34).

Sa demonstration sports, wagi ang Soccsksargen

(4-5-9) at sa para events, kampeon ang Western Visayas (21-25-15).

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles