Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Ginebra nakauna sa PBA Commissioner’s Cup finals

Pinatunayan muli ni Justin Brownlee na kahit kailan, maaasahan sya ng Barangay Ginebra.

Hindi gaanong umiskor si Brownlee tulad ng nakasanayan gunit na-ibuslo niya ang pinakamahalaga — ang game-winning shot may 0.6 segundo na lamang sa laro para sa 102-100 panalo kontra TNT sa Game 1 ng PBA Season 50 Commissioner’s Cup Finals nitong Miyerkules sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

Isang fall-away jumper ang pinakawalan ni Brownlee laban kay Chris McCullough, bilang pagtatapos sa sinimulan ni RJ Abarrientos. 

Nakabawi ang Gin Kings sa tamang oras matapos nilang masayang ang 18 puntos na kalamangan.

Bago ang matalim na tira ni Brownlee, nagpasok si Abarrientos ng magkasunod na four-pointers upang ilagay ang Ginebra sa unahan, 100-97.

Mabilis namang sumagot ang TNT sa pamamagitan ng isang malayong tres mula kay RR Pogoy upang maitabla ang laro.

“Nasubok kami sa series against Rain or Shine. At nadala naman in this game,” ani Abarrientos, na nanguna sa Ginebra sa kanyang 24 puntos, pitong assists, tatlong rebounds, at dalawang steals.

Napabuntong-hininga si Coach Tim Cone dahil nailigtas nila ang laro matapos mawalan ng kontrol sa fourth quarter.

“I wasn’t happy about the fourth quarter, that’s for sure,” ani Cone. “I just felt we’re not defending the way we did early in the game. We ran out of steam.”

Tinapos ni Brownlee ang laro na may 23 puntos, walong assists at apat na rebounds. 

Nag-ambag naman si Troy Rosario ng 16 puntos at siyam na rebounds habang nagdagdag si Scottie Thompson ng 15 puntos, limang rebounds, at anim na assists.

Umabot ang laban sa huling posesyon habang muling bumangon ang Tropang 5G at umabante sa iskor na 91-88 sa likod ng sunod-sunod na three-pointers at isang four-point shot mula kina Jordan Heading, Pogoy at Rey Nambatac.

Lahat ng first five ng TNT na sina McCullough (25 puntos), Pogoy (22), Nambatac (19), Brandon Ganuelas Rosser (12), at Calvin Oftana (12) ay nagtapos na may dobleng bilang ng puntos.

Tatangkain ng Ginebra na masundan ang panalo sa Game 2 sa Biyernes, muli sa Big Dome.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles