Muling umangat ang Philippine Stock Exchange index (PSEi) nitong Huwebes habang bumaba ang global oil prices at lumalakas ang piso kontra US dollar.
Tumaas ang PSEi ng 1.12 percent sa 6,034.27 points, habang umakyat ang broader All Shares ng 0.98 percent sa 3,396.41 points.
Lahat ng sectoral gauges ay sumunod sa pag-akyat ng main index. Nanguna ang Financials na tumaas ng 2.73 percent, kasunod ang Industrial na umangat ng 1.62 percent.
Umakyat din ang Mining and Oil ng 0.94 percent, Property ng 0.45 percent, Holding Firms ng 0.38 percent, at Services ng 0.35 percent.
Manipis ang volume sa 892 million shares na nagkakahalaga ng P7.92 billion.
Mas marami ang umangat na stocks kesa bumaba, 125 kontra 83, habang 53 shares ang hindi nagbago.
Ayon kay Rizal Commercial Banking Corporation chief economist Michael Ricafort, bumaba ang Nymex crude oil benchmark sa USD93 per barrel “amid market optimism that the US and Iran could be nearing a deal to end the war, as (US President Donald) Trump signaled that the war could be over within a week or before his visit to Beijing on May 14, 2026.”
Lumakas din ang piso sa 60.42 kontra US dollar, mula sa 61.305 close noong Miyerkules.
Nagbukas ito sa 60.85, mas matibay kesa 61.35 start sa nakaraang session.
Gumalaw ang palitan sa pagitan ng 60.9 at 60.34, habang nasa 60.69 ang average para sa araw.
Umabot ang volume sa USD2.4 billion, mas mataas kesa USD1.46 billion noong nakaraang araw. /Bistado


