Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

P8.2M goods nasabat sa 2 anti-smuggling ops

Mahigit P8.2 million halaga ng illegal goods ang nasamsam ng Philippine National Police sa dalawang anti-smuggling operations noong gabi ng May 6 sa Misamis Oriental at Zamboanga del Sur.

Sa Opol, Misamis Oriental, kumilos ang Opol Municipal Police Station sa ilalim ng Police Regional Office 10 matapos makatanggap ng intelligence reports tungkol sa suspected illegal stockpiling sa Barangay Limonda.

Nadiskubre ng mga awtoridad ang humigit-kumulang 1,500 sacks ng suspected mineral ores na nagkakahalaga ng P2,535,000. Isang Pilipinong lalaki of legal age ang naaresto sa operasyon, habang tumakas ang iba pang indibidwal pagdating ng operating team.

Dinala ang suspect at mga nasabat na items sa police station para sa proper disposition.

Sa hiwalay na operasyon sa Pagadian City, Zamboanga del Sur, nasabat naman ng operatives mula Zamboanga del Sur Provincial Intelligence Unit, Pagadian City Police Station, at RMFB9 ang suspected smuggled cigarettes sa pamamagitan ng intelligence-driven operation.

Nakumpiska ang 92 master cases ng Diamond cigarettes, 7 master cases ng Guiyan cigarettes, at 1 master case ng Huanghelou cigarettes. Tinatayang P5,730,000 ang halaga ng nasabat na sigarilyo.

Isang Pilipinong lalaki of legal age din ang naaresto sa nasabing operasyon. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles