BAGUIO CITY — Tinututukan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa Benguet habang umiiral ang 60-araw na price freeze sa lalawigan.
Patuloy na iniinspeksyon ng ahensya ang mga tindahan upang matiyak na walang nagtataas ng presyo ng basic necessities and prime commodities (BNPC) habang nasa ilalim ng state of calamity ang Benguet.
“To establishments, while we appreciate your cooperation in making the goods affordable in Baguio and Benguet, we ask you to always consider the good of our consumers through the implementation of fair prices,” ani Ralph Altiyen, hepe ng Consumer Protection Unit ng DTI Baguio-Benguet, sa isang media interview noong Biyernes.
Isinailalim ng pamahalaang panlalawigan ang buong Benguet sa state of calamity noong August 24, 2026 dahil sa pinsalang idinulot ng mga nagdaang tropical cyclone at monsoon rains.
Umabot sa P1 bilyon ang naitalang pinsala sa agrikultura at mga pampubliko at pribadong imprastraktura. Mananatiling epektibo ang deklarasyon hanggang October 23.
Ayon kay Altiyen, nakatanggap ang DTI ng mga ulat tungkol sa pagtaas o paggalaw ng presyo ng ilang pangunahing bilihin ilang araw matapos ideklara ang state of calamity.
Binigyan na umano ng notice of violation ang mga establisimyentong sangkot at inutusang itama ang kanilang mga presyo.
“We encourage the public to buy from the major establishments because they have lower prices compared to sari-sari stores that add a mark-up to the prices of supermarkets and groceries,” dagdag ni Altiyen.
Depende sa uri ng paglabag, maaaring pagmultahin ng P5,000 hanggang P1 milyon ang isang establisimyentong lalabag sa price freeze. Maaari rin itong maharap sa kaso.
Nagbabala rin si DTI-Cordillera Assistant Regional Director Atty. Samuel Gallardo laban sa pag-iimbak nang sobra-sobra ng mga produkto.
“It is either that the product expires in the storage of the houses or the family ends up buying unnecessary items. Let us only buy what we need even if we have money to use and it is also our way of caring for our fellowmen who might also need the same item,” aniya. /Bistado


