Ngayong Lunes ng gabi (August 17) na magkaka-alaman na kung sino kina Pokwang at Ruby Ruiz ang posibleng tanghaling Best Actress sa 2026 Cinemalaya.
Gaganapin ang awards ceremony ng 22nd edition ng Cinemalaya Philippine Independent Film Festival sa ganap na 7:00 P.M., sa Grand Atrium ng Shangri-La Plaza. Strictly invitational ang naturang event kung saan imbitado ang BISTADO.
Strongest contenders nga ang komedyanteng sina Pokwang at Ruby Ruiz para sa mga entries nilang ‘2Valid ID.s’ at “Status Rejected.” respectively.
Base sa mga critic’s reviews, masarap panoorin ang dalawang character actresses na nagpu-portray ng mga roles na hindi naman “nakilala’ sa kanila.

Sa 2Valid ID’s ay mas madrama ang ginampanang papel ng komedyanteng si Pokwang, habang sa Status:Rejected ay nailabas naman daw ng magaling sa drama na si Ruiz ang husay niya sa comedy.
“Sana mag-tie na lang sila,” hirit pa ng ilang reviews.
Pero teka lang daw muna dahil nangangabog din daw sa galing ang mga performances nina Iza Calzado (Hand of God ), Janine Gutierrez (Mag-iina), Max Ignacio (A.Ni.Mal).
Puring-puri din ng mga kritiko ang mga performances nina Frances Makil-Ignacio, Jojit Lorenzo, Bituin Escalante, at Reymund Domingo.sa “A.Ni. Mal.” ang ensemble nina Meryll Soriano, Joey Marquez, at Zaijian Jaranilla sa “2 Valid IDs;” at nina Janine Gutierrez, Lucas Andalio, Cherry Pie Picache, Agot Isidro, Ness Roque, at Jackie Lou Blanco sa “Mag-iina.”
Posible din daw makasulot ng award ang mga artista ng “Hand of God” na sina Ruru Madrid, Iza Calzado, Ronnie Lazaro, KD Omalin, at Jhong Hilario; at ang mga taga-“Status: Rejected” na sina Alessandra de Rossi, Beverly Salviejo, at Yani Villarosa.
May mga potential dark horse din daw sa labanan gaya ng entrie na “Tirik,” nina Rocco Nacino, Floyd Tena, Chai Fonacier, Jess Mendoza, at Glenn Sevilla Mas, “Tayo Lang Ang Nakakaalam,” nina Martin del Rosario, Miguel Odron, Yayo Aguila, Epy Quizon, Madeleine Nicolas, at Bodjie Pascua, pati na ang “Ganggang,” nina Raine Dela Cruz, Kenneth “Butchoy” Vincent Mendoza, Don Rishmond Cerbito, Prince España, Brian Arda, Don Melvin Boongaling, Katrish Aristoki, Elora Españo, Francis Mata, at Tabs Sumulong.
Isama na rin daw ang “Kaka Sa Yawan”, nina Beaver Magtalas, Bryce Nicolo Mercader, Dennis Dato, Noelle Polack, Nikki Valdez, Luis Alandy, at Karl Medina.
Nagsimula ang Cinemalaya festival noong August 7 at tatagal hanggang August 18. Subalit kapag marami pa rin daw ang mga manonood at tatangkilik sa mga entries na kumikita sa takilya, posible pa itong ma-extend.
.


