Sa isang pambihirang pagkakataon ay napaka-bukas ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano na nagbahagi ng mga pinagdaanan ng anak na si Gab Valenciano, dati ring aktibong dancer-choreographer at TV personality.
Sa isang panayam kay Gary ay naikwento nito ang matinding mental depression na sinapit ng 38-taong gulang na anak kaya daw ito nag-lay low sa mga showbiz activities nito at tuluyan ng nanirahan sa USA.
Inakala daw nilang nag-ugat lang lahat ng problema sa pagkakaroon ng isyu ni Gab sa tinatawag na “middle child syndrome.”

“But it doesn’t end there, simula lang pala yun ng mga usapin sa depression,” pakli ni Gary.
Ayon sa kwento ni Gary, nagkaroon ng pagkakataon na isang madaling araw ay tinawagan silang mag-asawa (Angeli Pangilinan) ni Gab noong kasalukuyan itong nagsasabi na siya’y may pinagdadaanang depression.
“That was the time when he kept saying ‘I’m sorry Dad, I took something,’ without us knowing then kung ano yung problema,” saad ni Gary.
Later then, natuklasan nga nilang may mga kakaiba na itong ikinikilos base sa dumi at gulo ng room nito sa tinutuluyang condo hanggang sa maikuwento nga nitong tumayo na si Gab sa railing ng tinutuluyang 27th floor condo at tila may gustong gawin na posible nitong ikapahamak.
Good thing daw na nandun that time ang ex-gf nito na nakatulong kumumbinsi sa anak na huwag gawin ang anumang binabalak nito.
“I carried him behind my back and onto the elevator going down, he kept saying sorry on our way to Makati Med. There he was diagnosed to have bipolar disorder. But then again it did not end there,” sey pa nito.
Simula umanoing manirahan ito sa USA noong 2023, nagpakasal at nag-divorce din after a year, ay tila mas na-address ang pagkakaroon nito ng mental health concerns sanhi ng tinatawag na “chemical imbalance.”
Sa paminsan-minsan umanong pagdalaw ni Gab sa bansa o sa madalas din nilang pagdalaw dito sa Amerika, higit daw nilang nauunawaan ngayon ang mga usapin sa Mental Health Struggles and Bipolar Diagnosis hanggang sa mga isyu ng “physical chemical imbalance in the brain rather than personal weakness.”
Sa kasalukuyan ay ginawa na ring ‘advocacy’ ng pamilya ni Gary ang kondisyon ni Gab na kanyang hinahangaan dahil sa tapang at tatag nito para magsilbing boses/spokesperson para sa mental health awareness campaigns at mga katulad.


