Naging mainit na Marites-an sa isang umpukan ng mga manunulat sa showbiz ang napapansin daw nilang malaking pagkakahawig ngayon ng dalawang aktres na halatang-halata ang pagpapa-retoke.
Ayon sa tsismisan, si actress A na nagbibida sa mga series ay natural namang maganda subalit hindi nga daw ito nakuntento sa kanyang alindog dahil feeling may kulang daw yata sa kanya.
At dahil kay actress A nga daw ipinagkatiwala ang isang bonggang role na need niyang magpakita ng konting kaseksihan, nag-desisyon daw itong padagdagan ang kanyang “top”.
Ang resulta, naging vavaboom nga daw ang appeal nito at nagkasunod-sunod ang mga projects niya at ngayo’y isa ng legit na A-1 star at hinahabol na ng mga photo shoots for glossy and upscale magazine covers, beauty product endorsements etc.
Heto na ang clincher ng kuwento. May isang actress naman na tatawagin nating si actress B na di hamak na nauna kay actress A sa showbiz.
.Nagkapangalan din sa actress B sa showbiz dahil sa pagpapaseksi nito noong araw at kahit ngayong halos nasa kuwarenta na ito ay mababanaag pa rin dito ang kagandahan at kakaibang kaseksihan.
Napapanood pa din siya sa mga TV at movies kahit nag-mother roles na siya ay mukha pa din siyang bagets. In fact, naging kontrobersyal nga siya sa isang series dahil yung kaeksena niyang lalaking artista ay halos kasing-edad lang ng kanyang anak and yet, may mga “intimate scenes” silang ginawa.
So heto na nga.
Marami ang nakakapansin ngayon na biglang naging halos magkamukha na daw sina actress A at B at talagang mapagkakamalan ninyong para lang silang magkapatid as in.
Halos iisa na diumano ang naging tabas at awra ng kanilang mga mata, bibig, hugis ng mukha at ang very obvious na “ilong” at pagkakaroon ng bumpers at bewang na pang-Miss Universe ang awrahan.
Sa mga naglalabasang bagong larawan ni actress B ay kapuna-puna nga daw na tila naging idolo nito ang kagandahan at alindog ni actress A at kung pagtatabihin sila, para lang daw silang “kambal” na sabay nag-uumpisa sa showbiz.
Yun pala, talaga daw na ni-request ni actress B na maging kawangis ni actress A nang malaman nito kung sino ang doktor na gumawa kay actress A.
Iisa pala ang kanilang doktor na tila mahusay sa aspeto ng pagpapaganda dahil nagawa niyang sundin ang request ni actress B kahit pa nga nasa mid-20’s lang si actress A.
Wala pa daw reaksyon si actress A pero tila nakarating na dito ang mga tina-tag sa kanyang mga photos na halos iisa na lang ang hitsura nila ngayon ni actress B.
Hindi kaya awayin ni actress A ang kanyang doktor hahaha!


