Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Pinas sumungkit ng 2 ginto sa Karate One-Youth League

Sinagip nina Francis Erl Jud Abundo at Kathleya Elaine Bustamante ang kampanya ng Pilipinas matapos makahirit ng tig-isang ginto sa pagtatapos ng Karate One-Youth League sa Mall of Asia Arena sa Pasay City nitong Linggo.

Isang araw bago ipagdiwang ang kanyang ika-13 kaarawan, dinomina ni Abundo si Azlee Khairi bin Wan Zuraimi ng Brunei, 7-0, sa Under-14 male kumite -40 kg class.

Si Bustamante ay nag-reyna sa  U-14 female kumite -47kg class matapos talunin si Ana Jovic ng Australia, 6-2.

Ang Karate One-Youth League, isa sa malalaking protekto Philippine Sports Commission, ay sanctioned ng World Karate Federation at inorganisa ng Karate Pilipinas Sports Federation, Inc.

Nilahukan ng halos 800 karatekas mula sa 58 bansa ang torneo.

Nagdagdag sina Dean Caleb Montalbo at Alexa Rae Vallesteros ng tig-isang silver sa U-14 male at female kata division.

Hindi lumusot Montalbo kay Moayad Alqahtani ng Saudi, 2-3.

Gayundin si Vallesteros kay Kyoka Okamoto ng Japan, 0-5.

Si Ashana Geanne Sabote ang nagbigay ng unang medalya ng bansa, isang bronze, matapos talunin si Niela Aieza Albano, 2-1, sa repechage ng female kumite -42 kg  class.

Sinundan ito ni Kaylani Vergara na tinalo si Andrea Nikolic ng Serbia, 4-1, para sa ikalawang bronze ng Pilipinas.

“Akala ko magiging close fight siya dahil finals,” ani Abundo.

“Triny ko po mag-attack pero hindi siya nag-counter kaya’t sinabaya ako ng sipa at suntok, at hayun nanalo ako.”

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles