Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

No. 8 Tropang 5G, sinibak ang No. 1 Road Warriors

Pinatunayan ng TNT na walang imposible nang sibakin nito ang sister team NLEX sa PBA Season 50 Commissioner’s Cup.

Bilang last seed sa walong quarterfinalists at kalaban ang No. 1 NLEX na dalawang beses lang natalo sa 14 laro sa eliminations, hindi masyadong binigyan ng pag-asa ang TNT kahit pa ito ang defending champion.

Ngunit ginulantang ng Tropang 5G ang liga nang talunin ang Road Warriors, 118-112, noong Sabado sa Ynares Center Antipolo.

Nanalo rin ang TNT noong Miyerkules, 96-93.

Makakaharap ng TNT ang Meralco sa pag-uumpisa ng best-of-seven semifinals sa Miyerkules.

Barangay Ginebra at Rain Or Shine ang magkakaharap sa isa pang serye.

Ang import na si Bol Manute Bol, bagama’t maaga nakakuha ng three fouls, ay umiskor pa rin ng 35 puntos at nakakuha ng 13 rebounds.

Tumulong din sina Roger Pogoy (21), Calvin Oftana (20) at Jayson Castro (14) upang marating ng TNT ang semis sa ika-limang sunod na conference.

“We finally get the lineup we wanted on the floor. This is the first time in this conference Roger started a game. He came off an injury and we managed his minutes early on,” ani TNT coach Chot Reyes.

“Brandon Ganuelas-Rosser also came off an injury. When we manage to bring everybody in, that’s big in our turnaround.”

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles