Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Pinas pinataob ang Tunisia para sa No. 2 panalo sa FIVB Girls’ U17

Pinangunahan nina Xyz Rayco at Resty Jane Olaguir ang Alas Pilipinas para walisin ang Tunisia, 27-25, 25-19, 25-16, nitong Sabado sa FIVB Girls’ U17 World Championship sa Liceo Particular Mixto San Felipe sa Chile.

Nagtala si Rayco ng 13 puntos mula sa 12 attacks at isang block habang umangat ang Alas Pilipinas Girls sa 2-1 na kartada o katumbas ng 6 points.

Ang world No. 25 na Pilipinas ay umokupa sa ikalawang puwesto sa Pool B, kasunod ng walang talo na defending champion China, na may dalawa pang playdate bago matapos ang preliminary round.

Ang top four teams ay uusad sa Round of 16.

Nakamit ng Alas Pilipinas Girls ang pwesto sa world meet matapos magtapos sa ikalima sa Asian Women’s U16 Championship noong nakaraang taon sa Jordan.

“It feels different when she sets the ball. It feels like I can really kill it. Of course, I’ll work hard to be able to play my best whoever I share the court with,” sabi ng 16-anyos na si Rayco.

Inugnay ni Rayco sa teamwork ang kanilang panalo at nakaramdam siya ng kasiyahan matapos malampasan ang kanyang mga pagkakamali.

“The past two days, I didn’t feel like I was playing the right way. I felt like I played poorly. My teammates said it was fine, but I wasn’t satisfied, so today I really wanted to bounce back. I’ll keep this going,” dagdag nya.

Bagama’t hindi niya inaasahang masalang habang si Irish Mahinay ang nagdidikta ng opensa, mabilis na nakapag-adjust si Olaguir nang dumaan sa alanganin ang Alas sa unang set.

“I’m happy I got in and contributed. I think I’m slowly getting back to the way I really play. There are still a lot of things I need to work on. I hope this continues and that I don’t let my emotions get the better of me,” ani Olaguir.

Nanguna sa scoring para sa Pilipinas sa ikatlong sunod na laban si Caera Celis, na nagtala ng 15 puntos mula sa 13 attacks at dalawang blocks. Nagdagdag si Sharina Rhyza Lleses ng 10 puntos, lahat mula sa attacks.

Matapos ang isang araw na pahinga, makakaharap ng Alas ang world No. 6 Peru sa Martes, alas-5 ng umaga, at tatapusin ang pool play laban sa No. 12 Venezuela sa Miyerkules, alas-2 ng umaga (parehong oras sa Pilipinas).

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles