Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Habagat kinansela ang PBA games

Patuloy na binayo ng ulan na dala ng habagat ang National Capital Region nitong Linggo, dahilan upang ipagpaliban ng Philippine Basketball Association (PBA) ang nakatakdang Governors’ Cup doubleheader sa Ninoy Aquino Stadium (NAS) sa Maynila.

Unang inanunsyo ng liga ang pagpapaliban ng mga laro sa pagitan ng Phoenix-Rain Or Shine at Ginebra-Blackwater.

Kalaunan, inilipat ng PBA ang Tuesday twinbill na tampok ang Converge-Terrafirma  sa 5:15 p.m. at NLEX-TNT 7:30 p.m. mula NAS patungo sa Ynares Center sa Antipolo City, Rizal.

Tumagas ang bubong ng NAS matapos ang third quarter ng laban ng Magnolia-Meralco noong Biyernes, na nagdulot ng halos isang oras na pagkaantala.

Nanalo ang Hotshots, 105-88, upang umangat sa 3-3 sa Group A, habang nasa ilalim ng standings ang Bolts sa 2-5.

Noong nakaraang linggo, binaha ang paligid ng NAS at Adriatico Street, dahilan upang pansamantalang ma-stranded ang mga tagahanga at tauhan ng mga koponan.

Sa mga bumili online para sa mga laro kagabi at sa Martes, awtomatiko ang refund. Kung personal na bumili, kailangan ipresenta ang ticket sa TicketNet Box Office sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City mula Agosto 23 hanggang Setyembre 20.

Dahil sa pagpapaliban, magkakaroon ng mas mahabang pahinga ang Elasto Painters at Bossing dahil sa kampanya ng Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup Asian Qualifiers mula Agosto 27 hanggang 31 sa Mall of Asia Arena sa Pasay at sa Japan Asian Games mula Setyembre 19 hanggang Oktubre 4.

Samantala, makakaharap ng Fuel Masters ang Hotshots sa Miyerkules ng gabi sa Ynares Antipolo sa kanilang huling laro bago ang Gilas break.

Napapanahon din ito dahil sasama ang Phoenix head coach na si Charles Tiu sa Strong Group Athletics sa 45th Jones Cup sa Taipei, na gaganapin Agosto 13 hanggang 23.

Ang Gin Kings naman ay may nakatakdang maglaro sa Biyernes ng gabi laban sa Bolts sa Araneta Coliseum, bago ituon ni head coach Tim Cone ang kanyang atensyon sa Gilas.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles