Nakamit ng standout ng Palarong Pambansa na si Anton Paulo Dominick Della ang pilak sa age-group ng men’s 10-kilometer race sa pagsisimula sa 4th Southeast Asia Open Water Championships sa Boracay nitong Biyernes.
Lumahok si Della sa 1.66-kilometrong kurso sa karagatan sa Boracay Newcoast na tanaw ang Sibuyan Sea.
Nakapagtala si Della ng dalawang oras at 20 segundo upang pumangalawa sa 18-19 years division.
Ang pambato ng San Fernando, La Union, na nag-uwi ng apat na ginto sa nakaraang Palarong Pambansa sa Agusan del Sur nitong Mayo, ay muntik rin maka-medalya sa Open division.
Na-ungusan lamang si Della ng limang segundo ng Vietnamese bronze medalist na si Van Dung Cao (2:00.15) sa event na pinanalunan ng kanyang kababayang si Ngoc Vin Dho (1:58.30).
Ang bronze ay napunta kay Mochammad Taufik ng Indonesia (2:00.06).
Nagbigay naman ng tanso si Dianna Celyn Cruz, sa kabila ng pananakit ng balakang, sa women’s 20-years-and-above class (2:48.17).
Nagtapos si Cruz sa ika-16 na puwesto overall sa 20 kalahok sa women’s Open division, kung saan nagtapos ang Vietnam sa unang dalawang puwesto sa pamamagitan nina Kha Ni Nguyen (2:18.29.86) at Huynh Tu Uyen Le (2:19.26.63).
“I swam a tactical race by trying to keep myself in the lead pack. The weather was good from the first to four rounds while from the fifth and sixth rounds, it was a bit wavy or choppy,” ani Della.
“You need to last long in this kind of race so I drafted behind the lead swimmers so it didn’t get heavy so much before making my move in the last 500 meters,” dagdag nya.
“It is really great to have competed because the 10K race is like the ultramarathon of swimming and this medal inspires me to believe I can accomplish something here. I won’t hesitate doing it all over again,” masayang pagku-kwento ni Della.
Ayon kay Cruz, galing din sya sa trangkaso at hindi nakapagpraktis limang araw bago ang meet.
“I had a left hip strain while working out here last June. I thought it would be okay now but then both hips began to hurt. I just thank God I was able to endure it. He gave me strength,” ani Cruz.
Muling sasabak si Della ngayong Sabado para sa mixed relay event, kung saan makakasama niya sina Alex Tiu, Graziella Sophia Ato at Nuche Veronica Ibit.
Bawat swimmer ay sasabak sa 1,500-meter course, kung saan unang tatalon sa tubig ang isang lalaki, susundan ng dalawang babae, bago saluhin ng isa pang lalaki.


