Maglalabas ang Philippine Postal Corporation (PHLPost) ng bagong commemorative stamps para parangalan ang ika-150 birth anniversary nina Gregoria “Oriang” de Jesus at Emilio “Pingkian” Jacinto, dalawang batang bayani ng Katipunan.
Idaraos ang unveiling ceremony sa Activity Area ng Robinsons Place Ermita sa Manila sa Biyernes, June 12, kasabay ng paggunita ng PHLPost sa ika-128 anibersaryo ng Philippine independence.
Ayon sa PHLPost, tampok sa commemorative stamps ang portraits nina De Jesus at Jacinto, na kapwa may malaking ambag sa pakikibaka para sa kalayaan ng bansa kahit bata pa noong panahon ng rebolusyon.
Ang stamps ay dinisenyo ni PHLPost in-house layout artist Jose Antonio Jayme.
Sa statement noong Miyerkules, sinabi ni Postmaster General Maximo Sta. Maria III na layunin ng launch na ipakilala sa bagong henerasyon ang kasaysayan ng dalawang young revolutionaries.
“Sa panahon kung kailan maraming kabataan ang naghahanap ng inspirasyon at mga huwaran, mahalagang maipakilala natin ang mga kabataang bayani na tumulong humubog sa ating bansa (In a time when many young people are looking for inspiration and role models, it is important that we introduce the youth heroes who helped shape our nation),” ani Sta. Maria.
“Sa pamamagitan ng mga selyong ito, umaasa kaming mas maraming Pilipino ang muling matutuklasan ang kanilang mga kuwento at magpapahalaga sa kanilang kabayanihan.”
Ayon sa PHLPost, ipinapakita ng commemorative stamps kung paano nagiging maliliit na piraso ng kasaysayan ang mga selyo, na tumutulong para mapanatiling buhay ang mahahalagang bahagi ng Filipino culture at heritage para sa susunod na henerasyon.
Pagkatapos ng official launch, mabibili ng publiko, philatelists, at history enthusiasts ang stamps sa Robinsons Place Ermita Activity Area at sa Post Shop ng Manila Central Post Office.
Sa bagong stamp set, muling itinatampok ng PHLPost ang papel nina Oriang at Pingkian sa kasaysayan ng bansa, hindi lang bilang mga pangalan sa libro, kundi bilang mga huwarang muling ipapakilala sa mga kabataang Pilipino. /Bistado


