Ibinasura ng Supreme Court ang petition ng Las Piñas high school teacher na si John Barry T. Tayam na humihiling na kilalaning valid ang 12-senator quorum sa Senate session noong June 3.
Sa session noong Miyerkules, June 10, sinabi ng high court na walang legal standing si Tayam para kuwestiyunin ang posisyon nina Senators Alan Peter Cayetano, Pia Cayetano, at Loren Legarda na invalid ang June 3 session dahil kulang umano sa required 13 senators.
Ayon sa SC, “Tayam failed to show that he suffered, or was at imminent risk of suffering, any direct injury from the actions he challenged.”
Hiniling din ni Tayam sa Korte Suprema na pagtibayin ang legality at constitutional validity ng lahat ng legislative actions, vacancy declarations, leadership elections, at committee reorganizations na ginawa sa nasabing session.
Pero hindi na umabot sa pagresolba sa merits ang petition dahil ibinasura ito ng SC dahil sa kawalan ng legal standing.
Nagsimula ang isyu matapos magsagawa ng session ang Senate minority bloc noong June 3, nang dumalo si Sen. Chiz Escudero, dating kasama sa majority bloc ni Alan Peter Cayetano.
Dahil sa pagdalo ni Escudero, nabuo ang 12-member quorum na nagbukas ng daan sa Senate reorganization.
Sa nasabing session, inihalal si Sen. Sherwin Gatchalian bilang Senate President Pro Tempore at acting Senate president.
Kasama rin sa reorganization ang pagtatalaga kay Sen. Erwin Tulfo bilang bagong chairman ng Senate Committee on Accountability of Public Officers and Investigations, o Blue Ribbon Committee.
Ikinatuwiran naman ng kampo nina Cayetano, Pia Cayetano, at Legarda na hindi valid ang session dahil kulang umano ang bilang ng mga senador para sa quorum.
Paglilinaw ng SC, ang kanilang ruling ay hindi pagresolba kung valid o invalid ang June 3 Senate session, kundi mas nakabataw sa kawalan ng sapat na personal at direktang injury si Tayam para dalhin ang kaso sa Korte Suprema. /Bistado


