Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

PBA, gagamitin na ang FIBA rules simula Oktubre

Ipapatupad ng Philippine Basketball Association (PBA) ang mga bagong patakaran sa pagpapatuloy ng Governors’ Cup sa Oktubre 7 bilang pagsunod sa bagong guidelines ng international basketball association (FIBA).

Nagbigay si PBA technical head Joey Guanio ng briefing noong Martes para sa mga coach at kinatawan ng 12 koponan tungkol sa mga pagbabago.

“Baka magtaka ang mga tao at sabihin nagpalit tayo ng rules in the middle of the season. Ginagawa natin ito para masanay ang mga players natin, lalo na ‘yung mga members ng Gilas sa bagong rules ng FIBA,” paliwanag ni PBA commissioner Willie Marcial.

Hinati ng bagong guideline ng FIBA ang unsportsmanlike fouls sa dalawang kategorya: flagrant at disruptive.

Ang flagrant fouls (labis na physical contact) ay may kapalit na dalawang free throw at ball possession para sa kalabang koponan. Ang manlalarong matawagan ng dalawang flagrant foul ay patatalsikin sa laro.

Ang disruptive foul, gaya ng paghawak sa isang manlalaro upang ihinto ang laro, ay may kapalit na dalawang free throw. Ang dalawa o higit pang disruptive fouls ay hindi magreresulta sa disqualification.

Hinati rin ng FIBA ang technical fouls sa dalawang uri: Category 1 at Category 2.

Ang Category 1 (halimbawa, kawalang-galang sa isang game official) at Category 2 (pagpapaantala sa laro) ay may kapalit na isang free throw para sa kalabang koponan.

Ang manlalarong matawagan ng dalawang Category 1 infraction ay disqualified sa laro. Pareho rin ang parusang ipapataw sa manlalarong matawagan ng isang Flagrant at isang Category 1 technical foul.

“Sa November gagawin ‘yung next window (FIBA Qualifier) so hopefully maka-adjust ‘yung mga players natin,” ani Marcial.

Samantala, pinangunahan ni Von Pessumal ang Titan Ultra sa 108-83 panalo laban sa Terrafirma sa PBA On Tour nitong Miyerkules.

Sa harap na mga dumagsa sa Polytechnic University of the Philippines sa Maynila para sa off-season tune-up game, hindi binigo ni Pessumal ang mga tagahanga matapos pangunahan ang Giant Risers na may 22 puntos.

Sumuporta ang import na si Tirrell Brown sa pamamagitan ng 17 puntos.

Napanood din ang unang laro ng beteranong guard na si RR Garcia para sa Giant Risers.

Huling naglaro si Garcia, 36-anyos, para sa Phoenix.

Hindi naglaro para sa Dyip ang import na si Justin Strings. Pinangunahan sila ng no. 1 overall pick na si Geo Chiu ang Dyip sa kanyang 21 puntos.

Nagdagdag si Aljon Mariano ng 11 puntos, habang ang rookie na si Chris Miller ay may 10 para sa Terrafirma.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles