Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Pagpapatayo sa P185-M PUP Open University Building, tapos na

Tapos na ang P185-million Open University System Building ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) sa Mabini Campus sa Sta. Mesa, Manila.

Ininspeksyon ng Department of Budget and Management (DBM) ang apat na palapag na gusali noong Miyerkules, June 10, para i-check kung nagamit nang tama ang public funds.

Kinatawan ng mga opisyal ng DBM si Acting Secretary Kim Robert C. De Leon sa site inspection.

Ayon sa DBM, ang gusali ay magsisilbing learning facility para sa open and distance education programs ng PUP.

Inaasahang makikinabang dito ang working students, teachers, professionals, out-of-school youth, at learners na may financial, geographical, o time constraints kaya nahihirapan sa traditional classroom-based learning.

“Malinaw ang direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos na dapat maramdaman ng bawat Pilipino ang bawat sentimong nagmumula sa pambansang budget. Kaya sa bawat proyektong natatapos at bawat silid-aralang naipatatayo, pinatutunayan natin na ang budget ay hindi lamang numero sa papel, kundi konkretong serbisyo, tunay na oportunidad, at mas magandang kinabukasan para sa ating mga kababayan—lalo na para sa ating mga mag-aaral,” ani De Leon.

Ayon sa DBM, palalakasin ng bagong pasilidad ang kapasidad ng PUP Open University System na mag-alok ng affordable at flexible degree at non-degree programs.

Layunin din nitong palawakin ang access sa higher education sa labas ng conventional classroom setup.

“Sa DBM, naniniwala kami na dapat nakikita at nararamdaman ng mamamayan kung saan napupunta ang kanilang buwis. Ang gusaling ito ay patunay na kapag maayos na napaplano at naipapatupad ang budget, nagiging tunay itong puhunan para sa kinabukasan ng ating mga kababayan,” dagdag ni De Leon.

Binigyang-diin din ni De Leon na mahalagang investment ng gobyerno ang access sa edukasyon.

“Dapat bida ang mag-aaral. Dapat bida ang mamamayan. At dapat bayan ang makinabang. Naniniwala ang administrasyong Marcos na ang dekalidad na edukasyon ay hindi gastos—ito ay pamumuhunan sa kinabukasan ng ating bansa.”

Sa panig ng PUP, nauna nang binuksan at binasbasan ang OUS Academic Building bilang pasilidad para sa flexible, technology-driven, at inclusive na learning systems. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles