Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Pagpapalalim sa mga baril, lupa, at AMLC records, sunod sa VP Sara impeachment trial

Palalawakin pa ng House prosecution ngayong linggo ang pagbusisi sa umano’y unexplained wealth ni Vice President Sara Duterte, kabilang na ang firearms, real properties, PhilHealth contracts at posibleng records mula sa Anti-Money Laundering Council (AMLC).

Sinabi ni House prosecution legal spokesperson at private prosecutor Benjamin “Jay” Tolosa Jr. nitong Linggo, September 27, na maghaharap sila ng dagdag na witnesses habang nagpapatuloy ang presentasyon sa Article II ng impeachment case.

Nauna nang nagtaas ng tanong ang prosecution tungkol sa firearms na nakarehistro umano sa pangalan ni Duterte at kanyang asawa na sinabi nitong hindi individually reflected sa kanyang Statements of Assets, Liabilities and Net Worth (SALNs).

“Bukod ho diyan magpi-presinta din tayo ng mga representative from PNP firearms and explosive office dahil titignan natin meron bang mga firearms na nasa ilalim ng pangalan ng bise presidente at na kanyang asawa na hindi na disclose sa SALN,” sabi ni Tolosa.

Kasama rin sa sisilipin ang government contracts ng mga kumpanyang sinasabing may financial interest ang bise presidente.

“Titingnan din natin through representative of Philhealth regional office number eleven kung meron din kontrata ang mga kumpanya kung saan may financial interest umano ang bise presidente,” ani Tolosa.

Nauna nang iniharap sa impeachment trial ang Philippine Government Electronic Procurement System records tungkol sa government contracts ng GenCorp Industries, isa sa mga kumpanyang sinasabing idineklara sa asset filings ni Duterte.

Hindi rin palalampasin ang mga real property.

“Pati ho register of deeds titignan natin kung merong real properties na nakapangalan kay bise presidente o kanyang asawa na hindi din nalahad sa SALN,” sabi ni Tolosa.

Target din ng prosecution na maiharap ang isang executive ng AMLC kung kakayanin ng oras.

“So ’yan ho yung mga main waitnesses well at kung mabibigyan pa ng oras nakasama na din sa listahan natin yung hong executive ng AMLC,” ani Tolosa.

Isa pang inaasahang haharap bilang witness si former Senator Antonio “Sonny” Trillanes IV.

“Isa pa hong inaabangan ng mga kababayan natin at testigo si former Sen. Antonio “Sonny” Trillanes IV na naka-schedule na din ho na umupo po nitong darating na lingo,” sabi ni Tolosa.

Nakatuon ang mga susunod na testimonya sa pagpapatuloy ng Article II presentation ng prosecution hinggil sa alegasyon ng unexplained wealth laban kay Duterte. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles