Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Bagyong Queenie lumakas pa, ITCZ magpapaulan sa Visayas, Mindanao

Lumakas pa nang bahagya ang Typhoon Queenie habang bumibilis ang pagkilos nito palayo sa bansa nitong Linggo, September 27, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).

Sa 5 a.m. tropical cyclone bulletin, namataan ang mata ng bagyo bandang alas-4 ng madaling araw sa 685 kilometro hilagang-silangan ng Itbayat, Batanes.

Taglay ni Queenie, na may international name na Surigae, ang maximum sustained winds na 130 kilometers per hour malapit sa gitna at bugso na aabot sa 160 kph.

Kumikilos ito pahilaga-hilagang-silangan sa bilis na 15 kph. Umaabot hanggang 300 kilometro mula sa sentro ang strong to storm-force winds nito.

Walang Tropical Cyclone Wind Signal na nakataas sa alinmang bahagi ng bansa.

Pero kahit malayo ang bagyo, asahan ang ulan sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao dahil sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ).

Ayon sa Pagasa, makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na ulan at thunderstorms ang Northern Mindanao, Caraga, Negros Island Region, Central Visayas, Leyte at Southern Leyte.

Nagbabala ang Pagasa na ang moderate hanggang minsang heavy rains ay posibleng magdulot ng flash floods at landslides.

Partly cloudy hanggang cloudy naman na may isolated rain showers o thunderstorms ang Palawan at natitirang bahagi ng Visayas at Mindanao.

Sa Metro Manila at natitirang bahagi ng Luzon, asahan din ang partly cloudy hanggang cloudy skies na may isolated rain showers o thunderstorms dahil sa localized thunderstorms.

Light to moderate ang hangin sa northern at eastern sections ng Luzon mula southwest hanggang west. Slight to moderate naman ang coastal waters, na may alon na 0.6 hanggang 1.8 metro.

Light to moderate winds at slight to moderate coastal waters din ang inaasahan sa natitirang bahagi ng bansa. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles