Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Paalala ng DOLE: Double pay sa National Heroes Day; dagdag 30% sa Ninoy Day

Double pay ang matatanggap ng mga papasok sa National Heroes Day, habang dagdag na 30 porsiyento naman ang sahod ng magtatrabaho sa Ninoy Aquino Day, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Pinaalalahanan ng DOLE noong Sabado ang mga employer sa pribadong sektor na sundin ang pay rules para sa Ninoy Aquino Day sa Biyernes, August 21, at National Heroes Day sa Lunes, August 31.

Sa ilalim ng Proclamation No. 1006, special non-working day ang August 21, habang regular holiday ang August 31.

Ayon sa Labor Advisory No. 31, ang empleyadong papasok sa National Heroes Day ay dapat tumanggap ng 200 porsiyento ng kanyang basic wage para sa unang walong oras—basic wage × 200%.

Kahit hindi pumasok, makatatanggap pa rin siya ng 100 porsiyento ng sahod para sa araw na iyon, basta’t pumasok o naka-leave with pay sa araw bago ang regular holiday.

Kung non-working day ng kumpanya o rest day ng empleyado ang araw bago ang holiday, may holiday pay pa rin siya kung pumasok o naka-leave with pay sa araw bago ang naturang non-working day o rest day—basic wage × 100%.

Para sa trabahong lampas walong oras sa regular holiday, may karagdagang 30 porsiyento sa hourly rate: hourly rate ng basic wage × 200% × 130% × bilang ng overtime hours.

Kung tumapat ang regular holiday sa rest day, magiging 260 porsiyento ang bayad sa unang walong oras—basic wage × 200% × 130%.

Sa overtime sa regular holiday na rest day rin, gagamitin ang formula na hourly rate ng basic wage × 200% × 130% × 130% × bilang ng overtime hours.

Samantala, “no work, no pay” ang ipatutupad sa Ninoy Aquino Day, maliban kung may company policy, nakagawiang practice o collective bargaining agreement (CBA) na nagbibigay ng bayad sa special day.

Ang papasok sa special non-working day ay tatanggap ng 130 porsiyento ng basic wage sa unang walong oras—basic wage × 130%.

Para sa overtime, ang formula ay hourly rate ng basic wage × 130% × 130% × bilang ng overtime hours.

Kung rest day din ng empleyado ang August 21, magiging 150 porsiyento ang bayad sa unang walong oras—basic wage × 150%.

Sa overtime sa special day na tumapat sa rest day, ang formula ay hourly rate ng basic wage × 150% × 130% × bilang ng overtime hours. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles