Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

P3.07-T halaga ng 247 PPP projects, nasa pipeline

Umabot sa 247 proyektong nagkakahalaga ng P3.07 trilyon ang nasa pipeline para pagtulungan ng pamahalaan at pribadong sektor, ayon sa pinakahuling datos ng Public-Private Partnership (PPP) Center.

Ang bilang na 247 ang tugma sa breakdown ng ahensiya, 164 na proyekto ng pambansang pamahalaan at 83 proyekto ng mga lokal na pamahalaan.

Sa kabuuang halaga, P2.94 trilyon ang inilaan para sa mga proyektong ipatutupad ng national government. Nasa P124.16 bilyon naman ang halaga ng mga proyektong pangangasiwaan ng local government units (LGUs).

Nanguna ang sektor ng railway sa laki ng puhunan, na may pinagsamang halaga na P1.97 trilyon. Sumunod ang property development sa P281.3 bilyon at education projects sa P107.92 bilyon.

Karamihan sa mga nakapilang proyekto ay matatagpuan sa National Capital Region, Central Luzon at Ilocos Region.

Bukod sa mga nasa pipeline, 303 PPP project na nagkakahalaga ng P3.56 trilyon ang kasalukuyan nang ipinatutupad.

Kabilang dito ang 196 na proyekto ng pambansang pamahalaan na nagkakahalaga ng P2.50 trilyon. May 107 proyekto naman na nagkakahalaga ng P1.05 trilyon ang ipinatutupad ng mga LGU.

Sa ilalim ng PPP, nagtutulungan ang gobyerno at pribadong sektor sa pagpopondo, pagtatayo, pagpapatakbo o pagpapanatili ng mga imprastraktura at serbisyong pampubliko. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles