Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

P235M ilegal na droga nasabat sa PRO-CAR ops, 8 arestado

LA TRINIDAD, Benguet — Mahigit P235 million halaga ng ilegal na droga ang nasamsam ng Police Regional Office Cordillera Administrative Region (PRO-CAR) sa pinaigting na anti-illegal drug operations mula May 18 hanggang 24, 2026.

Ayon sa PRO-CAR, walong drug personalities ang naaresto sa weeklong operations.

Batay sa ulat ng Regional Operations Division ng PRO-CAR, nagsagawa ang pulisya ng 17 operasyon sa nasabing period. Kabilang dito ang 11 marijuana eradication operations, dalawang buy-bust operations, dalawang search warrant services, at dalawang arrest warrant services.

Sa mga operasyon, winasak at nakumpiska ang 1,155,630 fully grown marijuana plants, 2,120 marijuana seedlings, 15,064 grams ng dried marijuana leaves at fruiting tops, 10,000 grams ng marijuana stalks, at 117.47 grams ng shabu.

Umabot sa P235,137,476.00 ang kabuuang estimated Standard Drug Price ng mga nasamsam na illegal drugs.

Sa walong naarestong drug personalities, lima ang classified bilang high-value individuals o HVIs, habang tatlo ang street-level individuals o SLIs.

Lahat ng naarestong suspect ay nahaharap sa kaso sa ilalim ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Pinakamalaki ang narekober ng Kalinga Police Provincial Office matapos makasabat ng P228,739,680 halaga ng illegal drugs at makaaresto ng apat na HVIs.

Samantala, ang Benguet Police Provincial Office ay nakumpiska ng P6,216,444 halaga ng illegal drugs at nakaaresto ng isang SLI.

May iba pang confiscations at arrests na naitala sa Baguio City at Abra.

Ayon sa PRO-CAR, bahagi ang mga operasyon ng kampanya nitong putulin ang supply ng illegal drugs sa source at pahinain ang street-level distribution networks bago pa makarating ang ilegal na droga sa mga komunidad. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles