ZAMBOANGA SIBUGAY – Nasabat ng Philippine National Police (PNP) ang tinatayang P22.29 million halaga ng iligal na sigarilyo sa maritime law enforcement operation sa municipal waters ng Siay, Zamboanga Sibugay nitong madaling araw ng Biyernes.
Apat na Pilipinong lalaki ang arestado sa operasyon.
Ayon sa PNP, pinangunahan ng Maritime Group’s Regional Maritime Unit 9 ang operasyon katuwang ang local police at partner law enforcement agencies matapos makatanggap ng impormasyon tungkol sa umano’y transport ng kontrabando sa dagat.
Na-intercept ng operating team ang isang motorized pump boat na may kargang daan-daang master cases ng hinihinalang illicit cigarettes.
Nabigo ang apat na suspek na magpakita ng dokumentong magpapatunay sa legal na transport at possession ng kargamento.
Ipinaalam sa kanila ang kanilang constitutional rights bago sila dinala sa police custody.
Narekober sa operasyon ang 375 master cases ng assorted illicit cigarettes na may estimated value na P21.49 million.
Kasama ang motorized boat na ginamit sa transport ng kargamento, umabot sa P22.29 million ang total estimated value ng mga nasabat na items.
Inihahanda na ang appropriate charges laban sa mga suspek dahil sa alleged violations ng Anti-Agricultural Economic Sabotage Act at iba pang applicable laws.
Patuloy naman ang validation at pagbuo ng kaso ng mga awtoridad. /Bistado


